Prologue

327 Words
"Look, hindi mo kailangan sabihin sa'kin kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat  gawin dahil ayoko sa lahat ang dinidiktahan ako," mariing sabi niya. "Hindi kita dinidiktahan. Pinapaalalahanan lang naman kita."  Lalo pang nag-init ang ulo ni Jared. "Bakit ano bang mapapala ko sa set up na 'to? 'Yung perks of being your fake husband, na libreng halik at yakap? Benefits bang maituturing 'yon? Okay sana kung ako lang ang makakauna sa labi mong 'yan. Eh, obvious namang sanay na sanay kang makipaglokohan," mariing sabi niya. Sa dami na nang nabaito niyang masasakit na salita sa maghapong iyon tuluyan na akong bumigay. Matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya. Tila gusto ko nang pagsisihan kung bakit ako pumasok sa sitwasyong iyon. "Sige, since mukhang hindi na ko makakalabas sa kalokohang 'to, pagbibigyan kita. Gagampanan ko ang pagiging asawa sa'yo pero hindi mo na ko kailangan turuan nang kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin. Kikilos ako ng natural gaya ng ginagawa ng asawa sa asawa niya." aniya na noo'y nakatitig sa akin. May parang kung anong bumara sa lalamunan ko at napalunok na lang ako. Nababanaag ko kasi ang galit sa mga mata niya kahit sa malamlam na liwanag ng ilaw na tumatama sa amin. Bahagya siyang dumukwang sa akin atsaka niya  inilapit ang mukha niya sa akin."Bakit parang kinakabahan ka? Hindi ba ito ang gusto mo?" naniningkit pa ang mga matang sabi niya sa akin. Bahagya ko siyang  itinulak papalayo pero mas lalo pa niyang  inilapit ang mukha sa akin na halos mahalikan na niya ako. "Ginulo mo ang nanahimik kong mundo kaya humanda ka. I will make you pay for this," nakangising sabi niya sabay pisil sa baba ko. Unti-uti niyang  inilapit ang mukha niya sa akin at mariin akong napapikit. Napadilat na lang ako nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Are you expecting a kiss from me?" nanunuya pang tanong niya. "This guy is trying to drive me crazy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD