"How are you? hindi ka ba pinapagod dyan nila Mommy?" nakangiting tanong ni Raven kay Hestia habang kausap niya ito sa kabilang linya. "Hindi naman, wala nga akong ginagawa eh. Sila na halos nagkikilos dito sa bahay. Ayaw man lang ako pahawakin ng mommy mo ng walis. Si Grandma rin, nililibang ako sa kwento para hindi ako kumilos sa bahay. Si Dad rin ang laging kalaro ni baby eh. Ikaw? kamusta naman ang meeting niyo?" "Okay naman, may ilang updates na, ang laking tulong ni Migs sa kaso namin ngayon." aniya pa bago napatingin sa loob ng bahay ni Migs kung saan kausap nito si Glen. "Maganda naman kung ganon. Sabi ni Mama pagkatapos ng meeting niyo ay isama mo na si migs dito upang dito na rin mag-dinner. Anong oras ka ba uuwi? nagluluto kami ni Mommy ng dinner ngayon." "Baka ma-late na