"Daddy.." lumuluha na tawag ni Jasper sa kaniyang ama. Mabilis naman na pinahid ni Hestia ang luha nito bago hinalikan ang noo nang makita na inaantok na ito. "Don't worry, Baby... pauwi na rin 'yon si Daddy.. sige na, sleep na." aniya pa at hinele ang anak hanggang sa tuluyan nang makatulog ito. Ibinaba niya muna si Jasper sa kama nito at inayos ang mga teddy bear sa paligid nito na paboritong katabi ng kaniyang anak. Sunod naman ay lumabas siya at nagpunta sa kusina upang uminom ng tubig habang tinitignan ang kaniyang cellphone, checking kung nag-reply na ba ang kaniyang asawa. After he went to the housing kung saan pansamantalang naninirahan ang mga naapektuhan ng pagguho ay lagi na itong abala at hindi sinasabi sa kaniya kung anong dahilan, maliban sa tungkol pa rin daw ito sa kaso