Flash back
Bagong bago palang siya noon sa hotel as in fresh na fresh palang kaya ayun nahirapan siyang mag adjust di man gaanong magkalayo ang time defference ng Pilipinas at Singapore ay medyo nashake parin ang kanyang kamalayan. Unang araw sa trabaho kaya ayun naninibago siya sa shifting nila ang schedule niya is morning shift at ang siste ay di siya morning person.
Noong nag aaral pa siya ay late na siya palagi mula nung high school palang e sanay na siyang ganun kaya ika nga e old habits die hard. Tapos late din kasi kung siya ay matolog lalo na kung sinusumpong siya ng kanyang insomia na kahit lumaklak siya ng sandamakmak na gatas e di umeepekto. Kung minsan pa nga ay bumibili pa siya ng sleeping pills makatulog lang lalo at umaabot din ng ilang araw yung hirap niyang tolog sa gabi. Kung minsan naman ay sa kakanood ng korean drama series kaya inaabot siya ng madaling araw.
Madalas noon ay nagpapasuyo siya kay Yuhan na i perma siya ng attendance lalo kung sa mga school programs, di naman kasi mahigpit lalo at simple lang ang perma niya dati para di ito mahirapan na gayahin. kahit anong pilit niyang bagohin ang oras ng tolog niya ay sadyang nasanay na ang kanyang mga mata. Kung minsan ay tumitilaok na ang tandang ng Tatay niya e di pa siya nakatolog.
At ngayon na nga ito siya naninibago sa mundo,sa ibang mundo at ngayon ngarag na ngarag ang beauty niya. Hilong hilo pa ang pakiramdam niya sa antok na nadarama kahit na napakalamig ng tubig ay tiniis niya magising lang ang diwa niya pero nanatiling lutang ang feeling niya. Nagkape na din siya ng purong puro yung tipong walang asukal na kape pampagising. Pero nanatiling antok na antok siya at ang malala ay nasusuka siya sa antok. Ang tanging gusto niyang gawin ngayon ay matolog. Pero dahil nga may trabaho ay kailangan niyang tiisin ang antok.
Maaga palang ay sakay na siya ng shuttle bus ng company mabuti nga at napaaga siya ng konti kasi kung nahuli huli siya ng ilang sandali malamang ay naiwan na siya ng shuttle bus. Nanibago siya sa room hirap siya sa room niya kasi nag telebabad pa siya kasama ang nobyo niya at halos madaling araw na siyang nakatolog.
Nang makababa ng shuttle bus ng company ay kinusot kusot niya muna ang kanyang mga mata feeling niya kasi e nakaidlip siya kanina sa loob ng sasakyan. Hihikab hikab siya habang papasok at kanda tisod tisod pa siya nang papunta na siya sa locker kaya naman ay di niya nakita ang kasalubong niya.
'Blag'
Isang nagtutulak ng trolley ang nakabangga niya punong puno ng mga beddings ang trolley buti nga at walang babasagin sa mga laman. Nagkalat ang mga laman ng trolley buti at walang mga superior na nakakita o akala niya lang.
"You idiot! your not supposed to sleep walk here it!" sigaw ng katrabaho nilang Singaporean. Nakakatakot ang hitsura nito na tila papatay sa tingin palang nanlilisik ang mga mata nito sa galit sa kanya. Mabilis niyang tinulongan ang babae sa pagpupulot ng mga dala nito.
"I am really sorry I didn't notice you." hingi niya ng paumanhin hiyang hiya siya. Lalo at aminado siya na kasalanan niya ang nangyari.
Akmang mangangalmot ang babae lalo at medyo malapit pa naman siya dito.
Buti nalang inawat ng mga katrabaho nila, kaya natigil din, pinatawag siya nito ng hapon niyon.
Pinagharap silang dalawa, mukhang impakta ang babae,pero bait baitan sa harap ng superior, alam na niya yung ganoong style, literal na plastikadang impaktitang, demonyita, yan ang babae kasi ng paglabas nila ay binangga pa siya nito, hinayaan niya nalang.
At lihim na pinagdasal na sana ay mabulunan ito habang kumakain, o di kaya ay mabundol pag labas sa building na iyon, o di kaya ay bangungotin.
At kung di ba naman siya siniswerte e saktong inspection date ni Sir Dustin, kaya ayon nang nakita siya, sinabon ang mga heads ng dahil doon, parang gusto na niyang mag back out ng araw na iyon at umuwe ng pilipinas, pero awa ng diyos, ang iniisip niyang termination ay di dumating.
Kaya tuwing darating ito, ay umiiwas siya nag leleave siya o kaya ay day off niya ang pasimple niyang kinakalantari, salamat at kilala niya ang hr department, minsan lang naman kasi ito sa branch na iyon nag stay, a day or two.
At awa ng diyos di na uli pang nag krus ang mga landas nila at di na niya pinangarap pa, isang nakakatakot na nilalang ang tingin niya dito, banta sa kanyang trabaho.
Makailang ulit itong pumupunta punta sa Singapore, may mga hindi man maiiwasan na makita niya ito, kahit abot abot ang kaba niya ay di naman sila nagtagpo.
End of flashback
Abala ang lahat, ayon sa bali balita ay nasa abroad ito para i expand ang ibang mga business ng mga ito.
Meaning to say magtatagal ito dito sa Singapore, kung ilang buwan ay di niya alam.
At ngayon palang dapat e, dapat di na siya pumalpak pa uli, at wish niya lang ay di mag krus ang mga landas nilang dalawa, mahirap nang masabon ng paulit ulit na may kasama pang banlaw.
Sa kanilang trabaho ay kinakailangang lagi silang mukhang tao, kaya naman inayos niya ang kanyang uniform at retouch ng konti, at agad na lumabas siya sa locker room nila, pag dating niya sa post niya ay agad na nag simula na muli ang kanyang parusa, ang walang hanggan na pag ngiti, they are being paid to smile and give courtesy to the customers s***h clients investors etc.
"Good morning sir, do you have any reservation?", tanong ko sa paparating na customer, ngunit ganun nalang ang panglalaki ng mata ko ng mapagsino ang customer.
"Sorry sir",hingi ko ng paumanhin.
"Bring me food at my penthouse now," sabi nito, bago tumalikod, ang kapwa ko receptionist na nandun ay di nakahuma.
"Lira, Sir Dustin want you to bring food, go now to the kitchen." untag ng isang Malaysian na katrabaho niya.
Dali dali siyang lumabas ng cubicle nila at pumunta ng kitchen.
"Kuya Russel pagkain daw ni Sir Dustin," sabi ko dito.
"Oh ba't ikaw ang nagsabi niyan dito,?" usisa nito.
"Aba ma- malay ko," maski ako ay nagtaka din, but who is she to refuse, gusto ba niyang mawalan ng trabaho, syempre hindi, kaya labarn lang.
Kaagad agad na nag luto ang hotel chef, after 20mins viola, ito na siya pawisan habang bitbit ang tray na may lamang pagkain ng amo nila, hirap siyang lumakad ng mabilis kasi mabigat ang tray and another thing pa ang pamatay niyang heels.
May isang private lift na ginagamit lamang papuntang penthouse, at tanging mga VIP's at family members lang ang allowed na pumunta doon, at lalong wala siya sa mga nang malaman kasi ni bakla ang pinagawa sa kanya ay todo alalay ito, suggestion and all.
Pag hinto ng elevator ay agad na lumabas siya, its the first time na nakatapak siya sa penthouse in her whole five years ngayon lang, its grand even outside, may tila fountain sa dulong bahagi, at napakaganda ng labas palang, what more sa loob diba.
Bahagyang bukas ang pinto kaya pumasok na siya.
"Sir here is your food," sabi ko na kinatok muna ang pinto bago lubosang pumasok, kakalabas lang nito mula sa cr,tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nito, at nakatopless na nga nakatapis lang, parang gusto niyang suminghap ng malakas, bahagya siya napalunok.
"Okay close that door and put it in the kitchen, and Miss Pelipe close your mouth," sabi nito na pumasok uli sa kwarto nito,siya dahan dahan pa ang pagsara ng bibig niya, agad naman akong nakahuma at tumalima.
"Yes sir," mabilis kung nilagay sa table ang mga pagkain, nang maayos ko na di ko alam kung lalabas naba ako o ano, so I choose the first, tatawag naman ito sa baba kung kukunin na ang tray, besides it not her job, receptionist kaya siya.
Akmang bubuksan na niya ang pinto ng di niya iyon mabuksan, muli niyang pinihit pakanan, pakaliwa, pinagpawisan na nga siya e.
Chapter 3