chapter 1

1821 Words
"Ate kulang daw ang padala mong pera sabi ni nanay," si Lezzeth ang sumunod sa kanya ang paboritong anak ng mga magulang niya buhay siñorita ito samantalang siya halos alilain. May kakambal ito si Loraine ngunit mas pinapaboran ito ng kanyang Nanay kesyo ganyan ganito. Pero di na niya iyon iniintindi lalo at di naman yun makakatulong sa kanya at di na rin naman mababago pa ang nakasanayan na ng kanyang mga magulang. Ang tanging hangad lang naman niya ay maibigay ang pangangailangan ng pamilya niya at makatulong sa mga magulang na maiahon kahit papaano ang pamilya niya sa hirap. "Eh kakapadala ko lang naman nung nakaraan a,"bigla kong sagot dito. "Ano bang gastosin na naman yan?" Nung isang linggo lang ng tumawag ang ina niya nanghihingi ng pera kisyo may bayaran sa ganito sa ganiyan syempre di naman madali ang kumita ng pera lalo nga at malayo siya sa pamilya. Hangga't kaya niyang tipirin ang sarili ay ginagawa niya makapagpadala lang siya ng malaki laki. Kung alam lang ng mga ito nahihirapan din siya, isang hotel ang pinagtatrabahoan niya dito siya sa singgapore halos simot lagi ang sahod niya kasi wala pa mang sahod ay maagap nang ngumangawa ang nanay niya. Bigla biglang nag kakaroon ng mga bayarin na minsan di niya ma identify kung legit ba o imbento na. Mabuti nalang at nakabili na siya ng lote sa limang taon niyang pagiging receptionist ng hotel ay may naitatabi naman siya sa mga tips na binibigay o mga bunos. May mga pagkakataon din kasi na may mga galante na mga client na nagbibigay ng mga tips sa kanila. Good thing na centralize ang tips nila kaya kahit ang tips ng mga chambermaids ay nakakaamot din sila. Medyo malaki din minsan ang mga tips kaya nakapag tabi din siya kahit papaano. Kasi kung ang sahod niya ang pag uusapan sahod na sahod na ng pamilya niya di pa man araw ng sweldo ay nakaabang na ang mga bayarin. Di naman sa nagrereklamo siya pero ganun na nga. Nakakapagod na din kasi minsan na bigay ka lang ng bigay lalo na kung minsan ay parang wala na siyang ibang silbi sa mga ito kundi ang pagiging tagabigay. Nagbabalak na din siyang mag asawa ayaw niyang matulad sa ibang babae na na expire na nang tuloyan ang matress sa kakaantay ng forever. Gusto niyang makita ang mga magiging mga apo niya dahil advance siyang mag isip apo agad. Lalong gusto niya din namang tumikim ng luto ng diyos at natutuwa siyang ang nobyo niyang si Kael ay namanhikan na nung huling uwe niya sa pilipinas. "Bat ako ang inaaway mo? si Nanay ang nagsabi ang yabang yabang mo porket nasa abroad ka."singhal nito na tila ay ito pa ang galit. Bakit kasi di pa ito maghanap ng trabaho matanda na din naman ito at nakapagtapos na din. Ilang ulit na pinagmamalaki ng Nanay niya na nurse na ang isang anak nito. Pero makailang apply na ito lagi pading di nagtatagal sa inaapplyan sabagay sa maldita nito e duda siya kung makakatagal ito sa trabaho. Ngali ngaling sabunotan niya ito kung malapit lang talaga siya dito naku, kung di lang niya alam e ito nga daw ang halos na lumulustay sa pinahirapan niya. Ayun pa sa mga naririnig niya sa mga kapitbahay at kakilala na tsismosa e araw araw daw bago ang damit nito, gadget at kung ano ano pa. E wala naman itong trabaho so alangan namulot lang ng grasya sa likod bahay malamang ang Nanay naman niya ang nagbigay. Eh siya lang naman ang source ng kaperahan ng Nanay niya. "Sabihin mo kay Nanay na may penalty akong binayaran wala ika akong maibibigay ngayon at sa susunod at sa susunod pang mga buwan." sabi ko sabay patay ng cellphone ko. Di pa ako nakontento at tinanggal niya pa ang battery para di makatawag ang mga ito. Di naman siya social media addict kaya wala siyang paki sa mga peysbook peysbook na yan. Kung minsan nasubokan niya din naman pero sadyang di niya lang bet. Punong puno na siya sa mga ito, akala ba nila e pagkasarap sarap ng buhay niya dito na halos maghapon na nakatayo at naka ngiti, kahit na kung minsan e nagwawala ang kanyang kaharap sige lang ngiti pa kung minsan mumurahin ka na tila ba ay binili na ang buo mong pagkatao. Lalo yung mga pekeng mayaman yun pa yung madalas akala mo kung sino. Tapos pag absent ang kapalitan niya straight duty ang lola niyo na kahit pagod kana ay wala kang magagawa lalo at bahagi iyon ng pinermahan nilang kontrata. Overtime pa palagi lalo nung ligoy ang kanyang kapalitan at madalas na sumala sa kain. Pag magkasakit di man lang makaalala na kumustahin siya maski ligaw na text wala. Mag isa siyang humaharap sa mga problema niya lalo may mga pagkakataon na di talaga maiwasan ang mga di inaasahang problema. Pilit siyang nagpapakatatag para lang makapag adjust at makibagay sa estrangherong lugar na iyon. Di siya maalala pag kaarawan niya, kung pasko o kung ano anong okasyon pero pag masakit ang bulsa nila. Maya't maya kung tumawag at rush na rush pa na tila siya ang may ari ng kompanya na pag hingi nila ng pera e agad agad maihuhulog niya. Aba matindi ilang ulit na din siyang nasabon ng mga kapwa niya pilipino. Nasabihan na mag ipon at di habang buhay e nasa ibayong dagat sila. Hindi habang buhay e malakas sila darating at darating ang panahon na kinakailangan nilang tumigil sa pag aabroad. Which is napakalaking check nun alam na alam niya iyon at ayaw naman niyang tumandang dalaga sa kakatrabaho tapos wala man lang ipon. Kailangan niya ding isipin ang sarili niya di na siya bumabata at kailangan niya ding mag impok para sa kinabukasan niya lalo at ikakasal na siya. Madalas pag nasa abroad ka tapos bigay ka ng bigay sa lahat ng hinihingi nila. Ang ganda ganda mo sa paningin nila alagang alaga ka yun bang kulang nalang latagan ka ng red carpet pag dating mo ng pilipinas. Ngunit pag umuwe ka na walang wala kana di kana kilala yun ang masaklap na katotohanan. Yung mga nagiging kasamahan nila dati pinag aral ang mga pamangkin pero dahil walanghiya si pamangkin ayon, di pa man graduate nagpabuntis o nakabuntis na. O di kaya naman ay nang makagraduate di na maalala ang ambag niya at ang masaklap di na siya kilala. Kung minsan bigla bigla na dumadami ang kamag anak mo pag makapag abroad ka. Pag umuuwe siya punoan ang bahay sa mga kamag anak na mangungumusta. Mangungumusta kung mag chocolate kapang natira o may dala kang mga sabon sabon. Bukod pa doon ang painom at mga pakimkim kasi dumami bigla ang inaanak mo. Di ka naman naka attend ng binyag pero ang dami mong inaanak. "O busangot ka na naman diyan may bills na naman bang dumating no?" biro ng kapwa niyang pinoy na si Yuhan, isang bakla. "Si Lezette inutosan daw ni Nanay nanghihingi na naman ng patago nilang pera. Akala ata eh sumusuka at tumatae na ako ng pera dito." nakanguso kung reklamo dito. Di na yun bago linyahan na niya iyon sa tuwing pinipiga siya ng pamilya niya na mag produce ng dolyar. "Ayan na sinasabi ko sa iyo Neng sinanay mo kasi sila na puro bigay kaya ayan, try mo mag bingibingihan mang snob hayaan mong isipin nilang kuripot ka. Aba't di habang buhay e ganyan ka isa pa yang kapatid mong pagka arti arti." gigil na sambit nito magkababata kami kaya kilala niya ang pamilya ko at siya ang nakapag tip sa akin na ang kapatid ko ay buhay mayaman. Medyo may pagka tsismosa kasi ang Nanay nito na kung minsan ay napapaaway na unlike sa Nanay niya na pananahi ang pinagkakaabalahan. "Sinusubokan ko naman kaya lang di ko din kasi sila matiis." sabi ko. "Yun naman pala e hala panindigan mo yan!" irap nito. "O siya sige na uuna na ako at darating daw ang ating big boss fresh from US Mams ang pogi pogi pa naman ni Sir papalicious ang pa abs." tila kiti kiting sabi nito. "So?" tikwas ang kilay kung tanong dito. "Anong so? hello Mams Dustin Humpkins ang pinag uusapan natin dito Mams and take note He is the most illegible bachelor in Asia at bilyonaryo ang pinag uusapan natin dito huh. Day ang mamanahin pa niya tiyak na mahihiga ka sa pera pag napangasawa siya at the age of thirty Mama pero ang bulsa swabe na, madatong mama for sure di kana magtatrabaho pag napangasawa siya." tila kilig na kilig na sabi nito. "Di ka papatulan nun!" pang aasar ko dito na pinandilatan ako. "Tsee panira! pag ako mapansin niya who you ka sa akin diyan ka na nga. Hoy babae ang nobyo mo daw ayon may babae check mo din minsan. Wag aanga anga baka mamaya sa kabila ng ganda mong yan ay maungosan ka ng malandi." bago pa man siya nakaganti ng pang aasar at bago pa man niya maipagtanggol ang katipan ay nagmartsa na ito palabas ng locker room nila. Sino ba ang hindi nakakakilala kay Dustin Humpkins? na feature na ito sa ilang international magazine and take note mga international model ang idinidate nito.Madalas na laman ito ng mga blind items and of course nameet na niya ito in person ay mali napagalitan na siya in person. Isang hot hotelier at ayon na din sa mga nasagap niyang bali balita ay hindi lang ang hotel ang meron ito resorts, malls at mga cruise ships sa iba't ibang panig ng mundo at iilan lamang yun sa di umanoy mga pag aari nito at ng pamilya nito. Kaya kahit napakagwapo nito at napaka perfect sa paningin nila ay hanggang tanaw nalang sila kasi panigurado ay wala silang panama sa mga karaniwang idinidate nito na mga International models, artist at mga anak ng mga sikat na personalidad sa mundo. Di lang mga basta bastang babae ang idinidate nito sabagay sa dami ng pera nito marami talagang maghahabol dito. Idagdag pa na gwapo ito at macho pang Papa material nga daw sabi ng mga katrabaho niya. Sa edad nitong tatlumpo ay wala pa itong napapabalitang naging seryusong karelasyon yung tipong steady ba. Mas lamang sa mga ito ay pang one time affair lamang o mas kilala sa tawag na fling fling lang o ang isa pang term ay isang beses na landian lang. Siguro ay umiiwas din ang lalaki sa mga babaeng ang tanging target ay masilo siya. Kagaya nung isang half Filipina na ka date nito nung nakaraang business summit na ginanap sa mismong hotel na ito isang taon na ang nakakalipas. Kinabukasan ay di na nila nakitang kasama nito uli iba na naman ng sumunod na araw. So far medyo tahimik nga lang ang love life nito ngayon wala na silang nabalitaang ka affair nito, di naman halatang stalker siya diba? Iniipon niya ang mga write ups tungkol dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD