POLITICS' DIRTY GAMES: THE PRESIDENT
◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉
"Someone's checking you out, Adrianna."
Nilingon ko ang sinasabi niya at muntikan ko nang maibuga ang iniinom ko nang makilala ko ang sinasabi niya. The boy next door, they call him. The popular guy. The hunk that everyone wants for themselves.
Napailing ako at nginisihan si Veronah. "Him? Nagagandahan lang 'yan sa'kin."
Bigla akong nagising sa panaginip na iyon.
"Miss?"
"H-Ha?"
"Nandito na po tayo." Tumango na lang ako at nagpasalamat sa driver ni mommy. Wala ang sarili kong driver ngayon kaya naman siya ang nagbabantay sa'kin.
Paglabas ko ay sinalubong ako ng malamig na hangin. Despite the coldness, I couldn't help but to smile and hug myself tighter. Isa ito sa mga rason kung bakit gustong-gusto ko ang lugar na ito. The coldness that reminds me of being the simple Adrianna I am. This became my favorite place, too – well aside from our haven.
Pag-angat ko ng tingin ay sumalubong sa akin ang nakatanaw na bulto mula sa veranda. Lalo lang akong napangiti at kinawayan siya.
I have my own key to this mansion on the hillside and the household knows me so they don't need any permission to let me in. Nang pagbuksan ako ng guard ng gate ay dumiretso na ako sa loob. Nandoon din ang ilang katulong na naghahanda na sa pag-alis.
"Good afternoon, ma'am. Hinanda po namin 'yung paborito niyo."
"Salamat po."
Nagpaalam na sila at umalis. Doon ako napa-iling. Isa ito sa mga pinagtalunan na naming dalawa. I don't mind having them but he still insisted. Ano naman kasing masama kung nandito ang mga katulong niya? Ang dahilan niya pa ay kanya naman daw ang lugar na ito at pwede niyang gawin ang gusto niya. Maybe I should ask Celestine to buy this property for me so that arrogant man doesn't have that reason anymore.
Tinanggal ko na ang stilettos ko bago pa man ako umakyat sa hagdan. Since when was the last time we've been here together? Hindi ko na maalala pero na-miss ko ang lugar na 'to.
Napakagat ako sa ibaba kong labi. Nasa tapat na ako ng kwarto naming pareho at alam kong nandyan na siya. I actually missed him more than the mansion itself.
Hindi na ako kumatok at pumasok na lang. Likod pa lang niya ay natutuwa na akong makita iyon.
"You know that staring is rude." He said when he faces me.
I bit my lip again and smile widely. "Have I told you that I really like your back?"
"Likod lang?"
Umirap ako. "'Wag kang abusado. Hindi ka complete package kaya likod mo lang ang gusto ko."
Inilang lakad niya lang ang pagitan naming dalawa. Next thing I know is that I am imprisoned in his arms with his face so close to mine.
Binitawan ko ang hawak kong mga stiletto at ikinawit ang mga braso ko sa batok niya. Kinailangan kong pang tumingkayad sa tangkad niya.
"I missed you."
Natawa ako doon. "Exactly my thoughts."
Before I even know it, we're kissing passionately and we're already on the bed – doing something really satisfying.
◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉
Nagluluto na ako ng agahan naming dalawa nang sa wakas ay pumunta na rin siya dito sa kusina. Basa pa ang buhok niya kaya ibig sabihin ay nakaligo na siya. One thing I noticed that he's still frowning which would only mean one thing--naiinis na naman siya.
"Good morning, Mr. Grumpyhead. Kailangan nating pumasok pareho kaya 'wag ka nang maasar diyan." Hinain ko na ang mga pagkain. "Breakfast is done."
Bago pa man din ako makaupo ay hinila na niya ako para mayakap. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko na nagpangiti sa'kin. This man could be clingy and sweet and I don't mind any second of it.
"I hate waking up without you."
Napakagat ako sa ibaba kong labi. "You're too clingy."
Nag-angat na siya ng tingin at saglit akong hinalikan.
"Good morning. Let's eat."
We talked about some nonsense and stuff under the sun while we eat. But it didn't last that long. Gaya na ng sinabi ko, pareho pa kaming may trabahong kailangang pasukan. Siya sa kompanya niya, ako naman ay sa Senado.
Nang mauna ako sa kanyang matapos sa pagkain ay ako naman ang humalik sa kanya. Kailangan ko nang gumayak.
Tinawagan ko na ang driver ni mommy at nagpasundo pagkatapos.
"I will send to you everything later on." Bungad niya iyon. "Make sure to keep the end of the deal, Wales."
So, we're back to this formality just like that. "I will so make sure you do, too. Goodbye, Zamora."
I am not that happy on mentioning that surname but it's his surname. No matter what I do, I should like it.
Despite that the man I despise is Senator Zamora...
He is still Matt Zamora – the CEO – son of Senator Zamora.