Chapter 1

834 Words
POLITICS' DIRTY GAMES: THE PRESIDENT ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉  "Nice debate, Miss Wales." Napalingon ako sa nagsalita at hindi na ako nagtaka na si Mr. Zamora iyon. Taas noo ko siyang hinarap at nginitian. I crossed my arms on my chest. "Thank you, Mr. Zamora. It was satisfying." Lalong lumapad ang ngiti ko. Satisfying. That would be word for something else... someone else. Ano kayang mangyayari kung sabihin ko sa kanyang hindi talaga para sa debate namin ang salitang iyon at para sa kanyang ana— "Miss Wales, they need you now." Tinanguan ko na lang si Mr. Zamora at nagpaalam na. This is indeed a great day. ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉    "So, Miss Wales, let's start with the most obvious question. Why would you want to be the president of country?" "Well, we all know about my father – Senator Wales. He was the senator that this country needed and he could've been the president that we needed... If only that he is still here with us. I want to pursue what he started. That's my first reason. The second is that I believe that I am qualified and I am capable of serving our country..." Pinatay ko na ang pinapanood nila. "What the heck, Wales?! Ang ganda-ganda ng pinapanood namin!" Inirapan ko na lang si Celestine. "Stop watching that. Hindi pa ba kayo nagsasawa sa speech kong 'yan? Lalo ka na, Morden!" Para na naman siyang batang inilabas ang dila. Ang iba naman ay napapailing na lang. Bumuntong-hininga naman ako at naupo sa bakanteng upuan. "Ang killjoy mo talaga, Wales." Nakangising sabi Veronah. "Kamusta ang nangyaring debate?" "Hindi siya dapat ang tinatanong mo ng ganyan, Osalla." Singit naman ni Rozaine at pinagsalin ako ng kape. "The person we should ask that question is Senator Zamora." Kinalampag ni Leondelle ang lamesa na kumuha sa atensyon naming lahat. Hindi man lang niya pinansin ang pagsuway namin sa kanya at ngiting-ngiti pa rin siya. "I agree that we should ask him. Sa mga sinasabi pa lang niya ay halata namang puro pa-good lang ang gusto niya. With that look on his eyes and the way he smiles, I could bet all my riches that he is lying!" Pagkatapos noon ay tumawa siya ng malakas kahit na wala namang nakakatawa sa sinabi niya. Nagkatinginan kaming lahat maliban sa kanya. "Alam mo, Quilon, natatakot na kami sa sense ng mga sinasabi mo." Reklamo ni Celestine na parang kinalibutan pa. "Iyo na lang 'yang mga opinion mo." Napailing na lang na naman ako at tumayo na dala ang tasa ng kape ko. "Doon lang muna ako sa veranda." Ang apat na babaeng iyon ay ang apat na tao sa mundo ko na pwede kong ipagkatiwala ang buhay ko. Kahit na madalas ay mapapatanong na lang ako kung paano kami naging magkakaibigan, alam kong kung mamamatay man ako ngayon, sila ang gugustuhin kong maglibing sa bangkay ko. Celestine Morden is the current mayor of Makati. Kahit na madalas ay childish siya, ganoon lang naman siya sa harap namin. You wouldn't even believe that the word childish can be associated with when you meet her. Lalaban siya ngayon para sa re-election niya kaya naman mas sinusulit na niya ang pagiging isip bata sa amin. Veronah Osalla is a senator like me and she doesn't plan to do anything else since she belongs to the upper senate. Ang mga senador na hindi naman mapapalitan ngayong taon. She's also a lawyer like me – and the epitome of a b***h herself. Rozaine Vizcarra is lazy to talk. Kaya naman kung gusto mo siyang marinig na magsalita siya ay pagsama-samahin mo kaming lima. Siya lang din naman ang lumalaban na vice president... sa partido ni Mr. Zamora. At ang panghuli ay ang pinaka-nakakatakot magsalita sa lahat, si Leondelle Quilon. She's been awarded the smartest congresswoman in the Philippines. Ang award na iyon ay talagang kanya lang at talagang nagkaroon ng ganoon award dahil sa kanya. She's too witty and super genius for the normal. Kaya naman kahit opiniyon na niya ay kailangang i-record dahil mas may sense pa iyon sa ibang katotohanan. Iinom pa sana ako ng kape ng ma-realize kong wala na palang laman iyon. Napabuntong hininga ako at napailing. Maganda ang ideya namin sa haven naming ito. This is the best way to relax and this is one of the place we could be ourselves. Lalo na ngayon na nakaka-stress ang mga nangyayari. It's tiring and too stressing to be Miss Wales or Senator Wales, I want to be Adrianna even if it's just for a while. I am about to go back inside when my phone started ringing. Hindi ko mapigilang mapangiti. "Hello?" "Where are you?" "Some place you don't know where." "Do I have to find where you are or you'll come to me?" I'm tempted to say I want him to find and fetch me. "I'll go to you." "Good. See you, Wales." "See you, Zamora."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD