Chapter 112

1700 Words

PAGLABAS KO NG SILID ay wala na akong Dos na inabutan sa sala. Huminto pa ako sa nakabukas na pintuan, at iniikot ang tingin sa kabuuan ng condo unit. Sa isang sulok ng puso ko ay naroon pa rin ang pag-asam na makita ko ito sa paligid, ngunit wala talaga ang lalaki. Ang naroon na lamang ay sina Thirdy at Yaya Edna. Mukhang nagtampo nga talaga ito. Laglag ang mga balikat na napahinga na lamang ako ng malalim. Napapailing na isinarado kong muli ang pintuang nilabasan ko, bago marahang nilapitan ang dalawa, na kapwa abala sa kani-kanilang mga ginagawa. As usual, nagbubuo pa rin ng lego ang anak ko. Hindi na namin ito sinasaway, tutal ay wala namang pasok. Natapos na rin naman nito ang lahat ng mga gagawin niya para sa eskuwela. Para sa akin ay mas maganda pa nga na iyon ang pagka-abalaha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD