Chapter 16

1651 Words

"SO? READY KA NA?" Tumingin si Dos sa akin. Naka-angat ang isang kilay. Mahina naman akong natawa. "Ano ka ba? Dapat excited ka. Last day na ng suspension mo. Sa Monday, pwede ka na ulit pumasok." Huminga ito ng malalim, bago pahinamad na inihilig ang likod sa backrest ng inuupuang sofa. Iniunat pa nito ang isang braso hanggang sa likod naman ng inuupuan ko. Ang mga mata ay malamlam na nakatunghay sa akin. Siguro ay puyat na naman ang isang 'to, kaya ang pungay na naman ng mga mata. Noong isang gabi, alas dos na ay ayaw pa rin ako nitong tigilan ng kate-text. Tatlong beses ko ring kinancel ang tawag nito, bago nito naunawaan na hindi na kami pwedeng mag-usap ng ganoong oras, dahil baka magising si Nanay, na natutulog sa tabi ko. Mabuti nga at hindi iyon nagigising sa liwanag ng cellp

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD