Chapter 13

1118 Words

"MANO PO, 'NAY..." "Kaawaan ka ng Diyos." Bahagya pang tinapik ni Nanay ang ulo ko, pagkatapos kong magmano rito. Inabutan ko ito na nakaupo sa maliit na sala ng bahay namin at nagsasalansan ng mga bilog na basahan. Magmula nang magdulas ito sa dating textile factory na pinagtatrabahuhan nito at mabalian ng balakang ay hindi na ito muli pang nakabalik sa pananahi. Sinagot naman ng naturang kumpanya ang pagpapagamot niya, sapagkat sa oras ng trabaho nga siya nadisgrasya. With pay din ang leave of absence niya, dahil sa ilang buwan na pagkaka-ospital. Iyon nga lang, pagkalabas niya ng ospital ay hindi na rin naging katulad ng dati ang lahat. Nakabalik pa rin naman siya sa trabaho, ngunit hindi rin nagtagal. Hindi niya na kasi kaya na matagal na maupo, o tumayo. Mabilis nang mangalay an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD