Chapter 110

1130 Words

NAGPASYA AKO NA MALIGO na muna bago kami muling umalis ni Dos patungo naman sa tambayan ng mga ito. Init na init ang pakiramdam ko, na hindi ko mawari. Para akong nanlalagkit, na hindi ko maintindihan. Bukas naman ang airconditioner sa buong unit, pero parang napaka-alinsangan pa rin ng pakiramdam ko, hindi ko malaman kung bakit. Sinabi ko nga iyon kay Dos kanina, inasar pa ako na baka raw ibang klase ng init ang nararamdaman ko. Sabihin ko lang daw, at wala naman daw problema sa kanya. Handang-handa naman daw siya na tighawin ang init na nararamdaman ko, ano mang oras. "Che! Tigilan mo 'ko. Umiral ka na naman. May naghihintay pa sa atin, baka nakakalimutan mo." Ani ko, kasabay ng pag-irap dito. Umangat naman ang isang kilay nito, bago ngumisi. "Huwag mo nang intindihin ang mga iyon s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD