Chapter 43

1958 Words

BAGO MAGTANGHALI, sa wakas ay nakagayak na ang mga mga kasama namin. Ang akala ko nga, ay aabutin pa kami ng hapon bago tuluyang mangawala ang hang-over ng mga ito. Sambakol tuloy ang mukha ni Coleen, kanina pa. Panay naman ang pang-aamo ni Casper sa nobya. Kung tutuusin ay wala namang dala halos ang mga ito, kaya't wala naman talagang iginayak. Talaga lang na hindi pa mga makakilos, dala ng puyat at malakas na hang-over. May malapit naman daw na boutique sa resort, kung saan maaari silang mamili ng mga kakailanganin nila. Napapalabing napatango-tango na lamang ako. So, ako lang pala ang may baong damit sa aming lahat? Si Dos ay isang katamtaman ang laking paper bag lang ang dala. Nang tanungin ko ito kung ano ang laman niyon ay nagkibit lang ito ng mga balikat at hindi sumagot. N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD