Chapter 34.2

2111 Words

"ANO?" Hindi pa rin makapaniwalang bulalas ko. "Wala rin sa usapan natin 'yon!" Alam kong napataas ang tinig ko kaya't naka-angat pa rin ang isang kilay na sandali itong lumingon sa akin. Kapagkuwan, ay tila wala pa ring ano man na nagkibit ng mga balikat, at saka ibinalik ang atensyon sa manibela. "Hindi mo kasi nilinaw, eh." Pinagkrus ko ang mga braso ko sa aking dibdib at sinamaan ito ng tingin. Alam ko na nakikita ako nito sa gilid ng kanyang mga mata habang nagmamaneho. Manaka-naka kasing gumagalaw ang mga mata nito patungo sa akin. Napapailing na matabang itong tumawa. "Angel, kailangan pa ba nating pagtalunan ang bagay na ito? Tapos na nating pag-usapan ito, 'di ba?" Huminga ako ng malalim. Napalabi pa ako. Saka pabagsak na isinandal ko ang likod ko sa backrest ng inuupuan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD