Chapter 34

1524 Words

HINDI KO ALAM KUNG ako lang, pero may napapansin ako kay Nanay. Mula pa noong isang gabi, pagkagaling ko sa condo ni Dos, ay parang may iba rito. Masyado itong tahimik. Kumibo-dili. Isa pa, parang pakiramdam ko ay palihim ako nitong inoobserbahan, lalo na kapag hindi ako nakatingin. Ilang beses ko itong nahuli na nakatingin sa akin, pagkatapos kapag tumingin ako, biglang titingin sa ibang direksyon. Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi kaya may alam na ito tungkol sa relasyon namin ni Dos, at na nagsinungaling ako rito tungkol sa pagpunta ko sa condo ng huli noong Sabado? Pero paano? Sino naman ang magsasabi rito? "Aalis na po ako, 'Nay." Paalam ko rito, bago pumasok sa eskwela. Inabot ko pa ang isang kamay nito para magmano. Wala namang imik na ibinigay naman nito sa akin ang isa n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD