ANG TOTOO, ay hindi naman talaga ako umalis. Nagkubli lang ako sa isa sa mga classroom na nadaanan ko, saka mula roon ay maingat kong sinilip ang paparating na ama ni Thirdy. Hindi sa kung ano pa man, gusto ko lang naman na makita kung okay ba ito. Kung pagkalipas ba ng maraming taon ay naging matagumpay ito, at natupad ang kanyang mga pangarap, sa kabila ng walang paalam na pag-iwan ko sa kanya? Naaalala ko pa kasi, kung papaanong ayaw na nitong magpatuloy sa pag-aaral sa UP, at ayaw ding mag-attend ng graduation, noong ayaw ko siyang kausapin, nang umamin ito sa akin na hinalikan niya ang ex-girlfriend niya. Bagaman, sa tingin ko naman ay naging matagumpay ito, dahil mukha namang napalaki nito ng maayos si Thirdy, sa kabila ng kaunti lang naman na kapilyuhan, na tiyak naman na sa kany