Chapter 2

1391 Words
IDININILAT ko ang isang mata ko nang makarinig ako ng mahihinang paghikbi na nanggagaling sa kabilang bahagi ng rooftop, na paborito kong tambayan. At hindi nga ako nagkamali, siya na naman. Pangatlong beses ko na itong tambay dito sa rooftop ng isa sa mga building sa loob mismo ng university, na pabigla na lamang sumusulpot ang babaeng ito na umiiyak. Medyo nakakubli kasi ang pwesto ko sa mga nakatambak na mga reserbang armchair, kaya marahil hindi niya ako napapansin. Noong una pa lang, gusto ko na sanang tanungin ang pangalan niya. Pero nang lalapit na ako, ay siya namang tunog ng bell at nagmamadali na ito sa pagbaba. May klase siguro. Noon namang pangalawa, nakalapit nga ako, mukha namang natakot sa akin. Nang abutan ko ng panyo ay parang nagulat pang tumingala sa akin, mahinang nagpasalamat nang makabawi, bago nagmamadali nang umalis. Nadala pa nga iyong ipinahiram kong panyo. At ngayon nga, sa ikatlong beses, ay hindi na ako papayag na hindi ito makilala. Nakatalikod ito mula sa kinaroroonan ko kaya marahil hindi niya kaagad ako nakita. Marahan akong naglakad papalapit sa kanya, at wala ring ingay na naupo sa tabi niya. Bakas ang pagkagulat sa anyo nito na napasinghap pa, nang pabigla akong lingunin. Kahit pasimple ay nakita ko pa rin nang hagurin nito ang mapupula nitong pisngi upang palisin ang mga luhang umaagos doon. "I-ikaw na naman?" Tila naiilang na anito sa akin. Bahagya pa itong umusod nang maramdaman ang bahagyang pagdikit ng braso ko sa kanya. Umangat lang ang gilid ng labi ko, pero hindi ako nagkomento. "A-ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong nitong muli, habang inaayos ang suot na salamin sa mata. "Bakit ka ba laging nandito?" Nagkibit ako ng mga balikat at tumingin sa kawalan. Itinukod ko pa ang dalawa kong kamay patalikod, habang nakatingin sa mga dahon ng nagtatayugang mga puno sa loob ng university, na siya na lamang matatanaw mula rito sa rooftop. "I own this place." I said, coolly. Hindi ko na matandaan kung anong grade ako noong magsimula akong mawili na tumambay dito sa rooftop kapag trip ko ng katahimikan at ayokong makipag-usap kahit na kanino. Hanggang sa kalaunan, kapag nagcu-cutting classes ako at wala sa paligid ang mga kaibigan ko ay mas pinipili ko na lang talaga na dito mag-stay. Kapag kasi nasa ibaba ako nakakagawa lang ako ng kalokohan, na tiyak na sa Principal's Office ang kinababagsakan ko. Bumuntong-hininga ito at iinot-inot na sinamsam na ang mga gamit, "S-sorry." Mahina nitong sabi. Akmang tatayo na ito, nang muli akong magsalita. "But, I do not mind, sharing this place, with you, though." Natigilan ito at may mababasa pa ring pag-aalinlangan sa mga matang tumingin sa akin. Tila binabasa kung totoo ba ang sinabi ko. Nang hindi ako kumibo at nanatiling nakatingin lang dito ay pabuntong-hininga nitong binitiwang muli ang mga gamit at bumalik, sa kung papaano ito nakaupo kanina. "This is the third time na nakita kita na umiiyak mag-isa sa lugar na ito." Basag ko sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa. "May problema ka ba?" Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang kimi nitong paglingon sa akin at ang pagsilay ng maliit na ngiti sa gilid ng mga labi. Kapagkuwan, ay marahang umiling. "W-wala ito. Malakas lang ang hangin dito sa rooftop kaya nagluluha ang mga mata ko." Aniya. Pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. Sinubukan pa niya na ikaila sa akin ang pag-iyak niya, eh, kitang-kita ko naman ang pamumula ng ilong at mga mata niya. Weird. And, I actually, do not know what got into me, but I find it cute. "Liar." Bulong ko saka naiiling na sumulyap sa kanya. Sumulyap din siya sa akin at kinagat-kagat ang pang-ibabang labi. Waring pinag-iisipan kung sasabihin ba sa akin ang bumabagabag sa kanya. Pagkatapos ay nagpakawala ng isang marahas na paghinga, bago nagsalita sa mahinang tinig. "Baka kasi hindi na ako makapag-aral next school year." Mababanaag ang panglaw sa kanyang mga mata habang sinasabi niya iyon. Out of curiousity, I faced her and asked. "Why?" She again, heaved a deep sigh. "Iyon kasing scholarship ko, baka bawiin na ng university. Bumaba kasi 'yong grade ko sa isang subject namin. Kasi na-late ako ng pagpasa ng isang project. Kaya 'yon... baka next year lumipat na ako ng ibang school, iyong walang bayad. Or worse, baka mag-stop na lang muna ako." Kitang-kita ang lungkot sa natural na mapupungay niya nang mga mata, habang sinasabi iyon. Natural na ngang parang laging iiyak ang mga mata niya, nadagdagan pa ng totoong lungkot dahil sa pinagdadaanan niya. "Eh, di lumipat ka na nga lang ng ibang school na walang bayad." Suhestiyon ko. Bagaman may naramdaman akong pitik ng pagtutol sa loob ko sa ideyang maaaring hindi ko na siya makita sa unibersidad na ito sa next school year. Maliit siyang ngumiti at marahang umiling. "Hindi kasi ganoon kadali iyon." Kumunot ang noo ko sa kanya, bilang piping pagtatanong kung ano ang ibig niyang sabihin. Kaagad naman itong sumagot, matapos ang isa pang buntong-hininga. Hindi na tinangka na magkunwaring hindi naintindihan ang sinabi ko. "Iyong scholarship ko kasi rito may allowance iyon na kasama. Kahit papaano, nakakatulong iyon para hindi ko na kailangan pang magtrabaho, para ipantustos sa pang-araw-araw naming pangangailangan sa bahay." Paliwanag niya sa akin. Muling napakunot ang noo ko. "Ganoon ba kalaki ang allowance mo, para magamit mo pa sa gastusin sa bahay?" Medyo napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Magkano ba ang natatanggap na allowance ng mga scholar, para kumasya pang panggastos sa araw-araw? Ang pagkaka-alam ko kasi, maliit lang iyon at sapat lang sa pangangailangan ng isang estudiyante. Kung isasama pa ang pangangailangan sa bahay, kulang na 'yon. Tila nahihiyang matipid siyang ngumiti at lumipad sa malayo ang tingin. "Kapag wala kang choice, magagawan mo ng paraan para kumasya iyon." Nagkibit ako ng mga balikat at hindi na nakipagtalo. Wala naman talaga akong alam sa mga ganoong bagay. Mula pagkabata ay hindi ko pa naranasan kung papaano ang makulangan. Sa atensyon man 'yan, o pera. Ako lang naman talaga ang gago, at pilit gumagawa ng paraan para bigyan ng sakit ng ulo ang mga magulang ko. Umaasa kasi ako na baka sa ganoong paraan, ay muling mabuo ang aming pamilya. "Pero kung mare-retain mo ang scholarship mo, mag-aaral ka pa rin dito next school year?" Kapagkuwan, ay tanong ko na lang. "Oo... sana." Mahina niyang sagot, kasabay ng marahang pagtango. "Pangarap ko sanang makapagtapos, para pagkatapos ko, iyong kapatid ko naman ang paaaralin ko. Para makahanap kami ng magandang trabaho, paglaki namin." Hindi na ako kumibo, at tumingin na lang sa maharot na galaw ng mga dahon. Pilit kong pinagagana ang isip ko kung sa papaanong paraan ko siya matutulungan. "WHAT?!" Halos mag-isang linya ang mga kilay ni Dad, at napa-angat pa sa kinauupuan nang malaman nito kung sino ang tinutukoy ko na gusto kong maging tutor. "Naloloko ka na ba talaga?" I chewed my lower lip, and shrugged my shoulders. "It is her, that I want, Dad." "Pero, grade eleven pa lang ang gusto mong maging tutor at grade twelve ka." Sa tingin ko ba ay tila tumanda ng ilang taon ang tatay ko sa kunsumisyon sa akin sa mga oras na ito. "Paano sa palagay mo, ituturo sa iyo ng isang grade eleven student ang mga topics na para sa grade twelve students?" But my decision is final. I want her to be my tutor, and she will be. "She is good in her class," May kasama pang kibit-balikat na sabi ko. "Consistent topnotcher, and a full time schoolar ng university. Madali na lang para sa kanya na aralin 'yon. Then, ituro niya naman sa akin." Pabalewalang sabi ko pa. "That is absurd, Dos!" Ikinumpas nito ang isang kamay at pabagsak na ipinatong sa mesa. "Ang sabi mo nga scholar siya. So, kailangan niyang mag-focus sa pag-aaral niya para hindi mapabayaan at mawala ang scholarship niya. Bakit kailangan mo pang istorbohin ang pobreng bata, kung marami namang ibang teachers sa university ang pwedeng mag-tutor sa iyo?" Naiiling na hinubad ni Dad ang kanyang eyes glasses at ipinatong sa ibabaw ng malapad niyang office table. "Pero, Dad--" "No." Mariin nitong putol sa akin, kasabay ng isang buntong-hininga. "If you want a tutor, maaari kang mamili among the faculty member's na mas qualified na gumanap sa papel na iyon. And that is final, Dos! We are done, with this conversation."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD