Can you still trust someone who has secrets darker than pitch black? Third Person’s Point of View “HEL, saan ka pupunta?” Halos ibulong ni Bellona ang pangalan ni Hel nang tawagin niya ito. Hindi tumigil si Hel sa kanyang paglalakad at hindi rin niya nilingon ang kaibigan. Gusto niyang lumayo. Ayaw niyang makita si Loki, ayaw niya pang makita ang tatay niya. Nawala si Hel sa paningin ng mga kasama niya. Nagtataka naman sila Dalia na tiningnan si Bellona na halatang nag aalala para sa kaibigan. “Saan papunta iyon, Bellona?” Tanong ni Dalia. Hindi naman nakasagot si Bellona dahil maging siya ay hindi alam kung saan papunta si Hel. Isa lamang ang nasa isip ngayon ni Bellona. Naandito si Loki kaya’t ayaw manatili dito ni Hel. “This is Master Loki.” Pagpapakilala ng Principal sa kanya.