Your greatest weakness can also be your greatest strength. Bellona’s Point of View “THIS is not good.” Napatingin ako kay Miss Acantha. Siya iyong teacher namin para sa period na ito. “Ma’am, wala na po ba talagang ibang way para mailigtas natin sila Hel at Kreios bago tuluyang gumuho ang glass arena?” Natataranta ring tanong ni Theo, bukod kasi kay Hel ay nasa loob pa rin si Kreios na siyang kaibigan ni Theo. I understand how he feels. “Wala. Once you entered the arena, the only way to escape is to defeat your weakness. That is its rule. We can’t do anything.” Dismayado niyang sabi. Hindi maaari. Hindi pwedeng makulong sila Hel diyan. Baka may magawa ako—Agh! Napahawak ako sa tagiliran ko. Nanghihina pa rin ang buong katawan ko. “Bellona, huwag ka munang kumilos. Hindi pa maayos