Episode 1

1525 Words
Maggie's POV. Nandito ako ngayon sa opisina ni Ama at kasalukuyan kong kasama ang mga Magulang namin. "Kamusta na ang Mahal na Reyna?" Umupo naman ako sa tabi ni Ina at tinignan si Ama "Ok lang naman siya, pero ganun parin maraming nagtataka at nagtatanung kung anong mukha ang meron sa Mahal na Reyna!" Uminom naman ako ng kaping nakahain sa lamesa "Hayaan mo na lang ang Mahal na Reyna, 'yon  nalang kasi ang paraan para pumayag siya sa gusto natin!" Tama nga si Ina ito lang ang paraan para umupo bilang Reyna ang kapatid ko. Isa kasi siya sa mga taong mahihirap na kausapin lalo nasa pamamalakad ng Palasyo pero pumayag naman siya lalo ng malaman niyang nag hihina na sina Ama. "Ina!" Napatingin naman kami sa pintuan ng marinig ang boses ni Ellyn ang bunso naming kapatid. "May problema ba iha?" Umiling lang siya at lumapit sa amin "May natanggap akong sulat para sa inyo!" Ibinigay niya naman ang sulat kay Ina kaya tinignan ko ang hawak nitong papel. Para saan naman ang sulat na'yan? "Kanino at Saan nanggaling 'to?" Binuksan naman ni Ina ang sulat habang kami inaabangan kung anong nakalagay sa sulat pero biglang ngumiti si Ina na ikinataka namin. "Hindi ko inaasahan 'to!" Nagkatinginan naman kami ni Ama bago binaling si Ina. Anong meron sa sulat? Nigian's POV. Ilang bwan na ang nakalipas simula noong kinoronahan ako at wala namang may nangyaring 'di maganda. Tama naman sina Ama't Ina mabubuti ang mga tao dito at kahit may telang manipis ang mukha ko para itago ang katauhan ko hindi nila pinapansin iyon at ginagalang parin nila ako bilang Reyna nila. Pero alam kung iba ang ipinapakita nila sa'kin pag nasaharapan nila ako at dadating ang araw malalaman at malalaman ko kung ano man ito! Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang labas ng palasyo habang nasa loob parin ako ng silid, Ang dami na nangyari sa buhay ko Simula ng iwan niya ako pero kahit ganun nanatili parin siya sa alaala ko? "Bakit kasi 'di ako lumalabas?" Lumakad naman ako papuntang bintana at tinanaw doon ang mga nangyayari sa labas. "Mahabang panahon na ang lumipas Simula ng maranasan ko ang pagiging Bata kasama siya!" Ngumiti naman ako ng mapait at hinaplos ang bintana habang tinitignan ang mga bata sa labas ng palasyo Masaya ang maging bata pero nandito ako nasa loob ng Palasyo nanatiling nakatago sa manipis na telang ito at iniingatan ang totoong katauhan ko! Lumakad naman ako papuntang salamin at hinawakan ang mahaba kung buhok. "Naaalala ko parin ang sinabi mong iingatan at itatago ko ang buhok ko!" Huminga naman ako ng malalim at sinuot na ang tela "Namimis ko na ang kulay mo." Lumabas na kaagad ako sa silid matapos kung masuot ang tela "Magandang Umaga Mahal na Reyna!" Bigla naman silang nag bigay galang sa'kin habang lumalakad ako Saan kaya ang lalaking 'yon? "Ako ba ang hinahanap niyo mahal na Reyna?" Hindi na ako nag abala na lingunin siya dahil siya naman talaga ang hinahanap ko "Ikaw nga!" Tinignan ko naman ang labasan ng Palasyo "Magalang na Pag bati mahal na Reyna." "Samahan mo ako sa labas General" ngumiti naman ako ng makita ang tao sa labas  "L-lalabas ka Mahal na Reyna?" Tumango nalang ako sa sinabi niya "Baka mapahamak kayo mahal na Reyna? Kung may bibilhin kayo ako nalang po ang bibili para sa inyo!" Umiling lang ako sa sinabi niya at lumakad na palabas "Pero mahal na Reyna?" Huminto naman ako sa pag lalakad at tinignan siya "Papalitan mo ang kasuotan mo habang ako *tinalian ko naman ang buhok ko at sinuot ang hood ng kapa ko* para 'di nila tayo mapansin" umilaw naman ang katawan niya kasabay doon ang pag palit ng kasuotan niya "Tara na!" Lumakad naman ako sa labas ng palasyo habang dinadamdam ang hangin na dumadampi sa balat ko "Ngayon kana lang ulit naka labas Simula ng koronahan ka Mahal na Reyna?" Tumango naman ako at nag lakad ulit. "'Wag mo akong tawaging Reyna pag nasa labas tayo!" Hindi na ako nag abala pa na tignan siya at lumakad na ulit "Saan 'yong daan papuntang bayan?" Tanung ko sa kanya pero walang may nag sasalita kaya tinignan ko siya sa likuran ko at nakita siyang nakatulala sa daan. Anong nangyari sa kanya? "General Ye!" Tinignan niya naman ako at lumakad palapit sa akin "Pupunta ka sa bayan maha- "Ang sabi ko 'wag mo akong tawagin niyan dito at Oo sa bayan nga, kaya saan na ang daan?" Tumango-tango naman siya at nauna ng lumakad sa akin kaya sumunod nalang ako sa kanya "Ano ba kasi gagawin mo sa bayan? Napapalayo na tayo sa palasyo." Anong kinatatakutan nito? Napairap nalang ako ng wala sa oras "Papasyal, Ang dami kasing problema noong nakaraang araw kaya mag liliwaliw muna ako ngayon!" Ang dami ko palang problema na Hindi ko alam? Tumigil naman ako sa paglalakad ng may napansin "Isaw!" Lumapit naman ako doon sa nagtitinda ng isaw "Dalawa nga po!" Naka ngiti kung sabi sa tindira kahit hindi niya naman nakikita ang ngiti ko "Diko inisip na kumakain ang Kamahalan ng ganyan!" Bigla naman akong napa tingin sa katabi ko at iniwan siya "Ikaw ang mag bayad!" Nakita ko naman siyang napakamot sa kanyang batok bago ako umalis "Papaano pag wala akong dalang pera? Anong gagawin ko?" Nakita ko naman siyang tinitignan ang mga taong nakakasalubong namin "Saan naba tayo?" Tanung ko sa kanya at umupo sa malapit na upuan "Nasa bayan na tayo!" Tinignan ko naman ang paligid madaming tao at paninda, ganito pala ang bayan ng River? "Bibili lang ako ng tubig mo!" Tumango naman ako bago siya umalis kaya kinain ko naman ang hawak kung pagkain .. "Nandito na sila at balita ko pupunta sila sa Palasyo ng River!" Hindi ko naman sinasadya na marinig ang sinabi ng babae "May dadating pala? Bakit 'di ko alam?" Tumayo naman ako at lumakad papalapit sa kung saan ko narinig ang boses. River Bridge? Bakit nandon sila? Lumapit naman ako doon at tinignan ang tinitignan nila pero wala akong may nakita dahil ang dami nila pero naririnig ko ang tunog na nanggagaling sa mga kabayo "Kam- GIA!" tinignan ko naman si General Ye at tinaas ko ang kamay ko na nag papahiwatig ng "Sandali lang" kaya tumango nalang siya at umupo "Papalapit na sila!" Nabigla naman ako sa sigawan nila at mas lalo akong nagulat ng maraming babae ang tumatakbo papalapit sa kinakokoonan namin kaya nag pasya nalang akong aalis na pero may biglang tumamang matigas sa noo ko dahil sa mga babae. "Aray!" "KAMAHALAN!" napatingin naman ako kay General Ye ng sumigaw siya pero huli na ang lahat ng biglang akong nadala sa mga kababaihan papuntang River bridge "Wahhhh Malapit na sila Kyaahhh!" Ano ba ang pinagsisigawan nila! "General Ye!" Sigaw ko sa kanya habang tinataas ko ang kamay ko na humihingi ng tulong sa kanya dahil hindi ko magamit ang kakayahan ko ngayon dahil nawawalan ako ng focus "General Ye? NANDITO DIN SI GENERAL YE!"  bigla naman silang nag atras-abante kaya napa atras ako. Anong meron kay General? Gwapo ba 'yon? Parang bakla nga 'yon eh tapos pag guguluhan pa nila? "Nandito na sila!" Rinig kong sigaw kaya hinanap ko naman kung saan sila pero may isang babae naman ang biglang tumulak sa'kin kaya humakbang naman ako para maka tayo ng maayos pero bakit wala akong may naaapakan ni isa? napatingin naman ako sa paligid ko at pumikit "General!" naramdaman ko naman ang lamig sa katawan ko dahil sa pag kakahulog ko sa tulay. Pinilit ko naman ang sarili ko na makaahon pero ang lakas ng agos kaya hinayaan ko nalang na tangayin ako ng agos. Ilang minuto naman ang lumipas ng bigla kong napansin ang telang naka takip sa mukha ko bago ako nahulog. "Saan na ang Takip ko?" Hinanap ko naman ang tela sa paligid ko pero wala akong may nakita ni dahon wala. Kaya sinisid ko naman ang ilalim ng tubig baka sakaling makita ko doon, Naramdaman ko naman ang pag hiina ng galaw ng tubig kaya inihaon ko ang ulo ko dahil hindi ko parin makita ang telang pantakip ko sa mukha ko.  Papaano ko tatakpan ang mukha ko sa mga taong makakasalubong ko? Hindi kopa naman pinapakita ang katauhan ko sa lahat dahil kailangan ko paring mag ingat. Natigilan naman ako ng mapansin kong nasaan ako. "Anong Lugar ba'to?" Nilibot ko naman ang paningin ko pero 'di ito parte ng River Valley Lumangoy naman ako habang nag hahanap ng pweding puntahan pero puro puno lang ang nandito. Gubat ba 'to? Anong klasing lugar ba kasi 'to?  Pinangpatuloy ko naman ang pag sagwa ko sa kamay ko para ipagpatuloy ang paghahanap ko ng lugar na pweding kong puntahan pero parang minamalas pa yata ako ngayon dahil hindi ko naman alam kung anong klasing lugar ba ang pinuntahan ko. Kung nandito lang sana si General Ye, sana alam ko an- "Patay! Bakit ko naka limutan si General Ye?" Napa kamot naman ako sa ulo ko at  Nag patuloy nalang ako sa pag langoy baka sa kaling may makita akong pweding pag haunan dito dahil malamig ngayon ang tubig.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD