Episode 2

1505 Words
Maggie's POV. "Wala parin ba ang Mahal na Reyna?" Umiling lang ako sa tanung ni Lord Key ang nag iisang Dyosa ng Heavenly Kingdom. Saan na ba kasi pumunta ang Kapatid ko at Mahigit isang oras na kaming nag hihintay sa kanya pero hanggang ngayon wala pa rin sila ganun din ang mga kawal na inutusan naming hanapin sila ni General Ye. "Kamahalan!" Napabaling naman kami sa isang maginoong kakadating lang sa silid. "General Ye!" Patayung tawag sa kanya ni Ina, pero napa tingin naman ako sa likuran niya at wala akong may nakitang kasama niya. Nasaan ang Kapatid ko? "Nasaan ang Mahal na Reyna?" Bigla namang yumuko ang General sa tanung ni Ama. May nangyari ba? Tinakasan ba siya ng Reyna, bakit hindi sila mag kasama kung kanina sabay naman silang umalis sa palasyo? "Kahit kailan talaga, Sabihin mo 'wag na siyang mag bihis at pumunta na agad dito!" Sabi ni Ina habang pa iling-iling na umupo pero wala paring kibo si General Ye. Alam ko ang galaw ni General at alam kong may nangyaring masama sa Reyna. "General" tawag ko sa kanya kaya napa tingin siya sa amin. "Patawad– Ngunit ang Mahal na Reyna ay nawawala." Huminga naman ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Tama nga ang hinala ko, Nawawala ang Reyna. "Saan mo siya huling nakita!" Inis na tanung sa kanya ni Ama. Nakita ko naman ang pag luhod ng General sa harapan namin. "Mag kasama po kami ng Mahal na Reyna sa River Bridge ngunit napasama po ang kamahalan sa mga babaing nais na salubungin ang ating mga panauhin pero dahil sa pangyayari nahulog po ang mahal na Reyna. Patawad po Kamahalan sa kapabayaan ko! Handa po akong tanggapin ano mang parusa ang ihahatol niyo sa akin!" Patuloy parin siyang humihingi ng patawad sa amin pero biglang lumakad si Ama na ikinatingin namin sa kanya "Hanapin niyo siya sa bawat lugar na posible niyang mapuntahan at bigyan niyo ako ng balita bawat oras!" Tumayo naman kaagad si General Ye sa utos ni Ama at nag bigay galang ito. Nasaan naba ang kapatid ko? "Masusunod Kamahalan!" umalis naman kaagad sa silid si General Ye pagkatapos ng sinabi sa kanya ni Ama "Paumanhin Kamahalan sa Nangyari!" Biglang sabi ni Ama at nag bigay galang sa Kamahalan. "Paumanhin kamahalan!" Sabay naming sabi ni Ina at nag bigay galang din sa Kamahalan at sa kasamahan nito. Bigla naman siyang tumayo at inayos ang kasuotan niya bago nag bigay galang sa amin. "Ang mga oras na ito ay hindi pa nakalaan sa pagkikita namin, Kaya aasahan ko sa susunod ay magkikita na kami." Napa tingin naman ako sa Kamahalan dahil sa malumanay niyang boses bago ito lumabas ng silid Hindi ko alam na ganun ang ugali ng Hari, akala ko kasi isa siyang masungit. Sa nababalitaan ko kasi isa siya sa Haring walang ginawa kundi ang mag sungit pero bakit ngayon parang ibang Hari ang nakaharap namin? "Hanapin niyo muna ang Mahal na Reyna at babalik nalang kami kung kailan handa na ang lahat!" Bigla naman silang lumabas pag katapos ng sinabi ni God Shin ang ikalawang Dyos ng Heavenly Kingdom "Saan naba kasi siya?" Nag aalalang tanung ni Ina at umupo na ganun din si Ama. "Babalik din 'yon!" Tama ka Ama, babalik din ang Mahal na Reyna   Nigian's POV. kanina pa ako lumalangoy pero wala pa akong mahanap na lugar para maahunan ko. Saan naman kasi ako pupunta? Sa gubat? dagdagan pa na gutom na ako.. papaano ba kasi hindi pa nga ako nabubusog napahamak pa ako. "Ano na kaya ang nangyayari sa palasyo? Si General Ye kaya anong nangyari don? Ano kaya ang ginawa sa kanya ni Ama dahil sa pagkawala ko?" Bigla naman akong napatingin sa kalangitan. "Bakit kasi ako nahulog sa Tulay? at kapag nalaman ko kung sino ang tumulak sa akin, gagawin ko siyang alagad ko." huminga naman ako ng malalim at napa tigil ng may bigla akong narinig na parang nag uusap? "Nagawa ko na ang pinapautos mo mahal na Prinsesa kaya ngayon mag kaibigan na tayo katulad ng napag-usapan!" Palinga-linga naman ako sa kabuohan ng lugar na ito pero wala akong may nakitang tao kaya lumangoy naman ako kung saan ko banda narinig ang boses na iyon "Napag-usapan? Sa pag kakaalala ko wala akong may naaalalang pumayag ako sa sinabi mo?" Itinigil ko naman ang pag sagwa ng kamay ko sa tubig ng makita ko kung saan nanggagaling ang usapan. Isang 'di gaano kataas na tulay at may apat na babae sa itaas na nag uusap "Ibig sabihin?" Nakita ko naman na yumuko ang isang babae habang nakahawak sa suot niyang bestida "Oo, kaya wag kanang mag aksaya ng oras dahil hinding-hindi ka magiging isa sa mga Kaibigan ko!" Bigla naman niyang tinaas ang ulo niya dahil sa sinabi sa kanya ng babae Tama 'yan labanan mo, hindi lang siya ang tao sa mundo! "Sabihin mo lang kung ano pa ang ipapagawa mo sa akin at gagawin ko maging kaibigan mo lang!" Bigla ko naman sinuntok ang tubig dahil sa sinabi niya "Anong utak meron ang isang 'to?" Nakita ko namang ngumisi ang kaharap niyang babae "Lahat gagawin mo?" Tumango naman siya kaya may kinuha ang babae sa damit niya at ipinakita sa kanya "Singsing?" "Tama! Kaya kunin mo ito at ibalik sa akin dahil sa pag balik mo nito sa akin isa kana sa mga kaibigan ko!" Nakita ko namang ngumiti ang babae at nilahad nito ang palad niya para kunin ang singsing daw pero iniwas 'yon ng babae at nilayo sa kanya "Hindi madaling kaibiganin ang isang tulad ko kaya Paghirapan mo!" Bigla niya namang tinapon ang hawak niyang singsing sa tubig "ano pa hinihintay mo? Talon na!" "H-hindi ko kaya!" Tama naman siya ang liit kaya ng singsing para kunin sa ilalim ng tubig "Kukunin mo lang, Hindi mo na agad kaya? Kung 'yan lang naman aalis na a– " Gagawin kona!" Anong meron sa babaing 'yan at gustong-gusto niyang maging kaibigan? May ginto ba sa mga buhok ang babaing 'yan? "Good!" Lumakad naman ang babae kung saan hinulog ang ginto at nakatulalang naka tingin sa tubig "Ang bagal mo!" "Waahhhh!" Nagulat naman ako ng Itulak siya ng isa sa kasamahan ng babae habang tumatawa na parang may nagawang isang bagay na ikinatagumpay nila "Tu-tulong! Mahal na Prin-sesa T-tulong!" Pero tumawa lang sila bago nilisan ang lugar "T-tulong!" Tinignan ko naman siya habang nahihirapang umahon kaya huminga nalang ako ng malalim "Hindi pala marunong lumangoy may gagawin pang nalalaman!" Lumangoy naman ako kung saan siya naroroon. Malayo ako sa kinaroroonan niya kaya hindi madali na lapitan siya lalo na't may hawak ako sa kamay "Tu– Sinisid ko ang ilalim ng tubig para salubungin siya at hindi na pumailalim ng tuluyan ang katawan niya pero ang bagal ng galaw ko dahil sa kasuotan ko at sa hawak ko kaya itinago ko muna ang hawak ko sa damit at pinagpatuloy ang pag langoy hanggang sa Nakita ko naman ang katawan niya kaya mas binilisan ko at dinampot siya bago nag kami pumaitaas. "pasalamat ka talaga at isang Reyna ang tumulong sa'yo!" Umahon naman ako habang hawak-hawak siya na walang malay kaya Hinila ko kaagad siya malapit sa malaking bato at pinaupo "Bakit kasi gusto mo siyang maging kaibigan?" Umupo naman kaagad ako sa harapan niya para gamutin siya kaya pumikit ako kasabay ng pag kumpas ko sa dalawa kung kamay ay naramdaman ko ang isang enerhiya na lumalabas sa palad ko at pumupunta sa katawan niya Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko habang may nararamdamang kumakatok sa tyan ko. Gutom na talaga ako! "Hmmm" napamulat naman ako ng maramdamang gising na siya "A-anong ginagawa mo sa'kin!" Kinumpas ko ulit ang kamay ko bago nawala ang Asul na enerhiya "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tumayo naman ako at inayos ang kasuotan ko "Ok la– ikaw ang tumulong sa akin?" Tumango naman ako sa sinabi niya kaya dali-dali siyang tumayo at niyakap ako. Hindi naman siya nabigla diba? "Maraming salamat! Tatanawin kong utang na loob ito sa'yo lalo nasa pag ligtas ng aking buhay! Kung may gusto kang ipagawa sa akin sabihin mo lang at gagawin ko kapalit ng pag ligtas mo sa'kin!" Tinapik ko naman ang balikat niya kaya tumingin siya sa'kin "Wag mong gagawin ang isang bagay na alam mong 'di mo kaya!" Tumango naman siya sa sinabi ko kaya nilahad ko sa kanya ang dapat niyang makuha kanina "'Yo-yong" "Hindi ko man alam ang rason kung bakit pero ang masasabi ko lang ingatan mo ang sarili mo lalo na sa kanila, Mag iingat ka!" Ibinigay ko naman sa kanya ang singsing na hinulog ng babae. Hindi naman talaga nahulog ng tuluyan dahil kinuha ko agad ito bago pa mahulog sa tubig "Maraming salamat!" Tumango naman ako at lumakad para bumalik na sa palasyo dahil alam kung nag kakagulo na doon Isang Reyna ba naman ang nawala sa Palasyo?  "Ako pala si Jasmine ikaw?" Hindi ko na siya niligon pa at kumaway nalang bago tuluyang nawala na parang bula sa paningin niya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD