Chapter 3: Sleepless Nights

1472 Words
“Huwag mong sayangin ang buhay mo para sa isang walang kwentang tao.”  Geraldine   HINDI AKO makatulog. Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko si Paolo. Ang mga alaala naming magkasama. Ang mga panahong masaya kaming dalawa. Ang una naming pagkikita. Ang pagpapantasya ko ng matagal sa kanya noong high school pa lang kami. `Yong panahong niligawan niya ako at sagutin ko siya. Ang pagse-celebrate namin ng monthsary at anniversary. Ang mga bonding moments at dates naming dalawa. Ang saya lang namin noon.   Pero bakit ngayon? Wala akong maisip na dahilan kung bakit bigla na lang siyang nakipag-cool off sa akin. Kung cool-off nga bang masasabi iyon. Parang break na rin, eh. Sinoli na niya ang mga binigay ko sa kanya. Ibig sabihin, wala na talagang pag-asa? Wala na nga ba?   Paulit-ulit na lang sumasagi sa isip ko kung may nagawa ba akong mali? Nagkulang ba ako?   Ibinigay ko naman ang buong oras, atensyon at pagmamahal ko kay Paolo. Ginawa ko lahat para sa relasyon namin. Anniversary, birthday, Christmas, New Year, Valentine's day at mga monthsary namin. Walang palya `yon, monthly. Naghahanap talaga ko ng p’wedeng iregalo sa kanya.   Text at tawag. Wala akong palya. Araw-araw ko siyang kinukumusta. Tinatanong kung kumain na ba siya? At kung may sakit siya, lagi akong nariyan para sa kanya. Inalagaan ko ang relasyon namin at 'di ako gumawa ng bagay na alam kong ikakagalit niya.   Mahal na mahal ko siya kaya lahat ng bagay, ginawa ko para sa kanya. Effort talaga ako mapasaya ko lang siya.   Kulang na lang ay ibigay ko ang matagal na niyang hinihiling sa akin na may mangyari sa amin. Kaya lang ay naniniwala pa rin akong kailangang kasal muna bago s*x.   Kaya kahit eight years na kami hanggang halik lang sa labi ang nagaganap sa amin. Conservative pa rin ako pagdating sa s*x, `no? Ni ayaw ko ngang pag-usapan `yon. Nahahalayan kasi ako.   Pero `yon lang naman ang hindi ko naibigay sa kanya. Ngunit buong puso at buhay ko ay pinaikot ko na sa kanya. Wala akong ibang minahal kundi siya. Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin ang dahilan. Sinabi lang niyang hindi na niya ako mahal. Ganoon lang ba iyon? Pagkatapos ng walong taon, hindi na niya ako mahal?   Bakit Paolo? Paano mo nagawa sa akin ito?   Patuloy pa rin ako sa paghagulgol. Basang-basa na ang unan ko dahil sa mga luha ko. Naghalo na ang sipon at luha ko sa tindi ng pag-iyak ko. Halos hindi na ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko. Ang sakit-sakit. Hindi ko matanggap na totoo ang lahat ng ito. Ayokong tanggapin na ayaw na niya akong maging girlfriend.   "Ate, ano ba? Tama na `yan! Kanina ka pa umiiyak. Non-stop na `yan, ha? Huwag mong sabihing hanggang bukas iiyak ka pa rin?" sabi ni Grachelle. Hindi rin kasi ito makatulog dahil sa ingay ng pag-iyak ko.   "M-matulog ka na. H-hayaan mo na lang ako," pahikbi-hikbing sabi ko.   "Hay naku, Ate. Wala nang magagawa `yang pag-iyak mo, `no? Move on ka na lang."   "H-hindi ganoon kadali `yon, `no?!" mataray kong sabi. Kung makapagsabi na mag-move on naman kasi parang ang dali-dali. Kung p’wede nga lang itulog ko ngayon at pagkagising, wala na. Pero hindi nga ganoon kadali.   "Hay, bahala ka nga," inis na sabi niya. "Pero please lang hina-hinaan mo naman `yang paghikbi mo." Nagtakip na siya ng kumot hanggang sa mukha.   Hindi na ako sumagot pa. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko para makipagtalo pa sa kapatid ko.   Noon pa man hindi na siya boto para kay Paolo. Hindi ko alam ang dahilan niya pero ilang beses na rin niyang sinabi sa akin na makipag-break na ako kay Paolo pero `di ko siya sinusunod. Mahal na mahal ko, eh.   Sabi niya, babaero daw. Pero hindi ako naniniwala. Loyal kaya siya sa akin. Hindi ko naman siya nakitang may kasamang iba maliban sa akin. Kung mayroon man na involve sa trabaho naman iyon kaya hindi ako nagseselos. Bilang DJ, natural na sa kanya na maraming nakakausap na babae.   Pero posible nga bang may iba na siya kung bakit hindi na niya ako mahal?   Hindi p’wede! Nangako kang ako lang at walang iba. Paolo, ano ba talagang dahilan mo? Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Kung hindi lang din ikaw buti pang mawala na lang ako.   Bigla kong naisip kaya tumayo ako at nagtungo sa kusina. Wala na akong matinong maisip sa mga sandaling ito. I'm so depress. Hindi ko kaya ang sakit.   Binuksan ko ang cabinet na pinaglalagyan ng kutsilyo. Dumampot ako ng isa at tinitigan iyon habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. "Paalam, Paolo. Tandaan mo ikaw lang ang minahal ko nang ganito," mahinang bulong ko.   Ilalapat ko na ang kutsilyo sa pulso ko. Gusto ko ng magpakamatay. Hindi ko kaya ang lungkot na ito. `Di ko kaya!   Ngunit mabilis na naagaw ni Grachelle ang kutsilyo sa akin. Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala siya. "Ano ba? Akin na `yan!" Pilit kong inaagaw ang kutsilyo sa kamay niya. Pero itinaas niya iyon at mahigpit na hinawakan."Nasisiraan ka na ba?" malakas na sigaw niya sabay sampal sa akin.    "Grace?" sambit ko habang nakatitig sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala.   "Don't do that , please?" pakiusap niya sa akin.   Niyakap ko naman siya habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Ngayon ko na-realize na masyado na akong desperada. Na pati ang buhay ko ay itataya ko para lang sa taong minahal ko ngunit iniwan lang ako.     NAKATULUGAN KO na ang pag-iyak. Nagising ako at tiningnan ang orasan. Alas dose y medya na ng tanghali. Napatingin ako kay Grachelle. Ang himbing ng tulog niya. Marahil napuyat siya dahil magdamag nya akong binantayan. Bigla kong naalala ang mga sinabi niya sa akin kagabi…   "Nasisiraan ka na ba?" sigaw ni Grachelle  matapos agawin ang hawak kong kutsilyo. Isang malakas na sampal din ang pinakawalan nya na dahilan para matauhan ako.   Ang sakit no’n, ha? Sa lakas parang matatanggal ang panga ko. Pero mas ramdam ko ang sakit ng puso ko kaysa ang sakit ng sampal niya.   "Grace?" sambit ko habang nakatitig sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala.   "Don't do that again, please?" pakiusap niya sa akin. Niyakap ko naman siya habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "A-ano ba kasing kabaliwan ang naisip mo, Ate?" Galit ang boses niya ngunit halatang nagpipigil ng iyak. "`Wag ka namang ganyan! Lalaki lang `yon. Wala siyang kwenta, okay? Hindi mo dapat sayangin ang buhay mo para sa kanya!"   "P-pero mahal na mahal ko siya. H-hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko."   "Kaya mo, ate. Kaya mo! Isipin mo naman ako! Wala na nga sila mama at papa tapos magpapakamatay ka pa dahil lang sa Paolo na `yon."   "S-sorry,” tanging nasambit ko. Tama naman siya. Iiwan ko pa ba siya gayong kami na lang dalawa?   "Kapag inulit mo pa ito at natuluyan ka isusumpa ko talaga ang Paolo na `yon!" Galit na galit na sabi niya.   Matapos ang usapan namin ay nagbalik na kami sa kwarto.   "Dito lang ako, babantayan kita."   Narinig ko pang sinabi niya bago ko ipikit ang mga mata ko. Naisip kong sinabi niya iyon para makasiguro na hindi ko na muling pagtatangkaan ang aking buhay. Napangiti ako habang tinitingnan siya. Napakaswerte ko talaga na magkaroon ng kapatid na matapang katulad niya.   Kabaligtaran ko ang ugali niya. Mahina at emosyonal ako ngunit siya ay matapang at `di nagpapakita ng kahit anong emosyon. Kahit alam kong nasasaktan din siya nananatili siyang matatag. Hanga ako sa kapatid ko. Minsan naisip ko, parang mas matured pa siya kaysa sa akin.   Agad akong nagtungo sa banyo. Naligo, nag-toothbrush at nagbihis. Plano kong puntahan si Paolo sa condo niya. Gusto ko siyang makausap ulit at linawin ang lahat. Umaasa pa rin ako na babalik siya.   Akmang lalabas na ako ng kwarto nang biglang magsalita si Grachelle. Nagising na pala siya. Bumangon siya at nagkusot ng mata. "Saan ka pupunta?" tanong niya na nakatingin sa akin.   "Ah... eh..." Ano bang sasabihin ko? `Di ko p’wedeng sabihin ang balak kong gawin. Alam kong magagalit siya.   Nakakunot naman ang noo niya. Naghihintay ng sagot.   "Pupunta ako sa bakeshop. Tumawag kasi si Dessa,” pagsisinungaling ko.   Si Dessa ay assistant baker ko sa bakeshop na pagmamay-ari ko. Mahilig akong mag-bake ng mga cake kaya naman naisip kong gawing negosyo.   "Ah okay. Mabuti `yon. Ituon mo na lang muna ang atensyon mo sa business mo. Para mawala ang focus mo sa Paolo na `yon," nakangiting tugon niya.   Buti lumusot ang dahilan ko.   Ngiti lang ang itinugon ko at tinalikuran ko na siya ngunit may pahabol pa siyang sinabi sa akin. "Paalala lang, ha? H'wag na h'wag kang magtatangka ulit, ha?"   "Oo na," sabi ko na lang saka dinampian siya ng halik sa pisngi. "Bye." At tuluyan na akong umalis.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD