Nakita niya si Tassy na umiinom ng Tequila sa may counter. Walang pakundangan niyang hinablot ang baywang nito upang dalhin palabas ng nightclub. "Hey, don't touch me! bitawan mo ako! Ano ba!" singhal ni Tassy habang kinakaladkad siya ni Dean palabas ng nightclub. Nang makalabas sila ay binitiwan niya na ito. "Go ahead and explain yourself Tassy! Ikaw, wala kang respeto alam mo ba iyon?! Tama ba na basta-basta mo nalang akong iiwan sa Cabin, pagkatapos ng nangyari satin kagabi?!" sigaw ni Dean. "Pwede bang wag ka munang magalit, kahit ngayon lang?!" saad ni Tassy na maluha-luha na dahil sinisigawan na naman siya ni Dean. Iyon ang pinaka-ayaw ni Tassy sa lahat, pag nagagalit si Dean. Galit na galit na si Dean ngunit bigla niyang napansin ang namumulang pisngi nito at ang sugat