Tumilapon ang katawan ni William sa malamig na simento nang bigla siyang bigwasan ni Dean, naglalakad siya sa may sidewalk nang bigla siyang hablutin nito at pagbubug-bugin. Gabi na kung kaya't wala nang gaanong nakakakita sa kanila. Nasa dead-end na pasilyo sila ngayon at walang kawala si William. "Akala mo siguro hindi namin malalaman yung katarantaduhang ginawa mo, ha?!" Galit na galit na saad ni Dean. "Wal-a akong ginagawang m-masama," saad ni William na tila iniinda ang sakit ng pagkakatama ng likod niya sa pader. "Ah talaga?! Wala?! Wala pala eh!" saad ni Dean at saka sinuntok ng sinuntok ito hanggang sa pumutok ang labi nito at dumugo ang gilagid. "Nasampal ko lang naman si Tassy dahil kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig niya eh, ang bastos na ng bunganga, tangina!" saad