Isang umaga ay nag-aalmusal sila nang biglang hanapin ni Dawin si Tassy. "Dad, saan po si Tassy?" tanong ni Dawin kay Julio. "Bakit? hindi pa ba bumababa?" tanong ni Julio. "Uhm, Sir, pinapasabi po ni Maam Tassy na hindi daw po siya papasok ngayon, masama daw po ang pakiramdam niya," saad ni Anna na naulinigan ang pag-uusap ng mag Ama. "May lagnat ba? hinipo mo siya?" tanong ni Julio. Tahimik lang na nakikinig si Dean ngunit naka-ready na siyang pumasok sa opisina. "Wala naman po Sir, napuyat lang daw po siya kagabi at kulang siya sa tulog kaya gusto niya lang daw pong magpahinga ngayon," saad ni Anna. "Ahh ganun ba," saad ni Julio. "I'll go check on Tassy," saad ni Dean at umakyat sa taas, sa kwarto ni Tassy. Binuksan niya ang pinto dahil hindi naman iyon naka-lock. "Darli