"Good morning, Daddy!" masiglang bati ni Tassy sa kaniyang tatay Julio na kinilala na niyang amain.
"Magandang umaga Hija, kumusta ang pag-aaral mo?" tanong nito.
"Okay lang po, Dad," tugon niya.
Umupo na si Tassy sa hapag kainan kasama ng kanyang tatay Julio habang ang dalawa nya namang kapatid ay bumaba na rin ng hagdanan upang saluhan sila.
"Good morning, Tassy," bati ni Dawin kay Tassy at awtomatiko namang kumawala ang ngiti sa mga labi ng dalaga.
"Good morning, Kuya Dawin!" masiglang bati niya na siya namang ikinatuwa ng binata.
Napatingin si Tassy kay Dean kung kaya't binati niya rin ito.
"Good morning, Kuya Dean!" masiglang bati niya ngunit sinimangutan lang siya nito at humigop ng kape.
Hindi alam ni Tassy kung bakit palaging masungit sa kanya ang kinikilala nyang kapatid. Simula noong bata pa lamang sila ay hindi na sila magkasundo, palagi siyang inaaway nito at umaarte na parang hindi siya nag e-exist sa mundo ng binata.
"So uh Tassy, you're turning nineteen this month. What do you want?" tanong ni Julio sa kay Tassy.
"Oh Daddy please don't throw celebrations anymore. I just want us to have a family dinner," turan ni Tassy.
"Well, family dinner it is," sabi naman ni Julio.
"I have things to do, kaya hindi ako makakapunta," sabi ni Dean habang kumakain at parang walang pakialam sa usapan nila.
"Come on Dean, it's your sister's birthday, you should take a break. Next month pa naman ang ocular natin with Mr. Sandoval eh," pangungumbinsi ni Julio.
"Oo nga naman Kuya, birthday ni Tassy oh," dugtong pa ni Dawin.
"She's not my sister," sambit ni Dean na halatang naiinis na.
"Dean! Saan ba nanggagaling iyang mga pinagsasabi mo?!" galit na tinuran ni Julio sa panganay na anak.
"I-its okay, I understand. It's totally fine, Dad, Kuya Dawin," sabi ni Tassy upang humupa na ang tensyon. Ayaw niya kasi ng gulo at higit sa lahat, ayaw niyang mas lalo pa siyang kamuhian ng kaniyang kuya Dean.
"I lost my appetite, excuse me," sambit ni Dean at kaagad-agad na tumayo.
"Dean! I don't know where you get that kind of attitude!" sigaw ni Julio ngunit binalewala lamang ito ni Dean at nag tuloy-tuloy na lumabas ng bahay.
"It's okay, Daddy," sambit ni Tassy sa kaniyang tatay Julio sabay hawak sa kamay nito upang pagaanin ang loob ng matanda.
"Pagpasensyahan mo na ang kuya mo Tassy, marami lang sigurong kinakaharap na problema iyon sa kumpanya," pagpapaliwanag ni Julio.
"Siya nga pala Dad, una na kami male-late na kami sa school eh," sabi ni Dawin sabay tingin sa kaniyang relo, "Halika na, Tassy,"
Isinukbit na ni Tassy sa likod niya ang backpack niya at saka tumayo.
"Buti pa mag-iingat kayo ah, at umuwi ng maaga Dawin," sabi ni Julio.
"Opo, Dad," tugon ni Dawin habang si Tassy naman ay ginawaran ng halik sa noo ang amain at saka lumabas ng bahay.
Parehas na nasa kolehiyo si Dawin at Tassy. Si Tassy ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo habang si Dawin naman ay nasa ika-apat na habang si Dean ay abala sa kanilang family business. Retired na ang ama nya kung kaya't siya na ngayon ang tumatayong CEO ng kumpanya. Ang kumpanya nila ay isa sa mga malalaking manufacturer ng furnitures sa Pilipinas.
"Are you okay Tassy?" tanong ni Dawin sa kinikilalang kapatid.
"Ha?" tanong din nito at mukhang hindi sila nagkakaintindihan.
"Tungkol kanina, I'm sorry, sorry kung hindi kita naipagtanggol kay kuya," malungkot niyang sambit kay Tassy.
"Kuya Dawin, it's not your fault and it's okay tama naman si kuya Dean eh. We're not related," simpleng sagot ni Tassy pero alam niya sa sarili niyang nasaktan siya ni Dean.
"Yeah but, I like you as my younger sister and I will still want to protect you from every douchebag that wants you," saad ni Dawin habang nakatingin sa lalaki na ngayon ay papalapit sa kanila.
"Hi Tassy, these roses are for you," sambit ng binata sabay abot ng mga bulaklak kay Tassy.
"What's up Tray? Thanks for the roses but my little sister here doesn't want that," saad ni Dawin dahil kilalang kilala niya si Tray. Babaero ito at mukhang ang kapatid na si Tassy ang gustong puntiryahin nito ngayon.
"Bad timing Tray, sorry seloso itong kuya ko eh, ayaw niyang may lumalapit sa akin na ibang lalaki," saad ni Tassy kay Tray na halatang dismayado na ang mukha.
"Come on, little sis," saad ni Dawin at nagpatuloy na sila sa paglalakad.
"Okay na ko dito kuya Dawin thankyou sa paghatid, male-late ka na sa klase mo," saad niya sabay wave ng kamay para magpaalam sa binata.
"Okay. I'll see you later," saad ni Dawin at kinindatan ang kapatid.
"Okay," iyon nalang ang nasabi ni Tassy at umalis na si Dawin habang ang kaibigan niya namang si Alice ay tinignan lang ang makisig na binata habang tumatakbo ito palayo sa kanila.
"Huy! Bakit nakatingin ka nanaman sa kuya ko?" natatawang saad ni Tassy sa kaibigang si Alice.
"Hay nako Tassy, napakaswerte mo nakakainis ka, sarap mong sabunutan, how come na kuya mo ang pinaka-gwapong team captain ng basketball team ng school?" naiinis na saad ni Alice kay Tassy.
"You really like him do you?" saad naman ni Tassy habang tumatawa.
"Yeah, guilty kahit nung second year palang tayo, siya na talaga ang gusto ko," nagmumukmok na saad nito.
"Pwede naman kita ireto kung gusto mo," saad ni Tassy na natatawa pa rin.
"Ayoko nga," saad ni Alice.
"Akala ko ba gusto mo kuya ko, eh bakit ayaw mo mag pareto?" tanong ni Tassy sa kaibigan.
"Eh kasi Tassy ang love hindi dapat pinipilit at hinahanap, kusang darating yan. Well, maybe it's not the right time for now but I still hoping he would glimpse at me somehow," saad ni Alice.
"Sabagay, tama ka," pagsang-ayon naman niya.
Habang nasa klase ay hindi pa rin maalis ni Tassy sa kanyang isip ang inasal ng kuya Dean niya noong umagang iyon. Nasasaktan man ay pilit niyang iniinda ang lahat. Marahil ay nasanay na rin siya dahil simula ng bata sila ay malayo na ang loob nito sa kanya.
Iniisip niya rin na siguro ay nagseselos ito sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng amain at iniisip nito na mas mahal siya ng matanda kesa sa sarili niyang anak pero kahit ganun ang sitwasyon ay nananatili siyang mabait at gumagalang sa kinikilala niyang kuya.