"Please, Tassy, stay with me," saad ni Dean sa isip habang nakaupo sa gilid ng emergency room. Nasa Ospital sila ngayon at mukhang malubha ang lagay ni Tassy. Kaagad niyang nakita si Julio at Dawin na tumatakbo sa may pasilyo papunta sa emergency room, sinalubong niya ang mga ito. "Ano nangyari Dean?" tanong ni Julio. "She knows, Dad, alam niya na yung tungkol sa nangyari sa investments ng mga magulang niya," saad ni Dean. "Anong investment, Kuya?" tanong ni Dawin. "She freaked out, galit siya, takot siya, tapos lumabas siya ng office ko, I tried to follow her tapos bigla na lang may kotseng mabilis ang takbo, Dad hindi ko na alam ang gagawin ko," saad ni Dean na mangiyak-ngiyak, niyakap naman siya ni Julio. "Tatagan mo ang loob mo, Anak, you know Tassy, she's a fighter, she wi