Kinabukasan ay bumalik na ulit sa dati ang lahat. Habang sakay ng kotse ni Dawin ay tinanong ito ni Tassy. "Kuya, anong ginawa mo sa mga ka-group mates ko? sabi ni Alice sa akin pinuntahan mo daw sila sa classroom tapos pinasama mo sa'yo," saad ni Tassy kay Dawin. Napa-ngiti na lang ang binata. "Wala noh, kinausap ko lang," saad ni Dawin. "Weh? eh bakit ayaw nila akong pagawain doon sa group thesis namin? kinukuha ko sa kanila ang final draft eh ayaw naman ibigay, sabi nila ay sila na daw ang bahala at magpahinga na lang daw ako," saad ni Tassy. Napa hagalpak naman ng tawa si Dawin. "Wala nga, tinuruan ko lang ng leksyon," saad ni Dawin. "Kuya naman eh, ano ba kasi ang ginawa mo? Parang takot na takot sila sa akin," saad ni Tassy. "Eh, pinagmumura ko," saad ni Dawin kay Tas