Nagising si Tassy sa hindi pamilyar na lugar. Napapitlag siya nang makita niya na nasa Ospital siya. "Anong nangyari? bakit ako nandito?" tanong niya sa isip. Napansin niya ang lalaking natutulog sa gilid ng kama niya it was none other Dean with his tired but handsome face. "He stayed," sambit ni Tassy sa isip. Hindi niya na napigilan ang sarili na haplusin ang buhok nito. "Masyado naman yata akong pinagpapala ngayong mga oras na ito, napaka-gwapo ng bantay ko. Ang gwapo pa rin kahit tulog at pagod," saad ni Tassy sa isip. Nagulat siya nang may narinig siyang nagbukas ng pinto kung kaya't nagpanggap siyang tulog ulit. "Dean, Dean! nakatulog ka na dyan," sabay tapik ni Julio sa braso ni Dean, "Bakit hindi ka muna umuwi at magpahinga sa bahay," dagdag pa nito na siya namang narin