Chapter 3: Tassy's 19th Birthday

1256 Words
Dumating ang araw ng birthday ni Tassy. Ang mga kasambahay nila ay abala sa pagluluto para sa kanilang family dinner, habang siya ay nag-aayos na ng sarili sa kanyang kwarto. Lumitaw ang napakagandang hubog ng kanyang katawan at mala-kutis porselana niyang balat nang isuot niya ang kanyang silver silk dress na may slit sa gilid na tinernohan niya ng color gold na stilettos. Inilugay niya ang kulay tsokolate niyang buhok at kinulot iyon sa bandang ibaba. Naglagay din siya ng make-up na babagay sa kanyang outfit. Nang matapos siya sa pagbibihis ay kaagad agad na siyang bumaba at doon ay nakita niya nang naka-abang sa ibaba ng hagdan ang kanyang kuya Dawin. Dahan-dahan siyang bumaba at napansin niyang tila namamangha ang binata sa kaniya habang naglalakad siya pababa ng hagdan, hindi mapawi-pawi ang ngiti sa mga labi nito. Tuwing family dinner ay formal sila manamit kung kaya't gayon na lang ang pag-aayos niya sa sarili. Makisig naman ang itsura ni Dawin sa suot nitong dark blue na tuxedo. "Wow, you look absolutely gorgeous my little sister," saad ni Dawin habang nakatingin sa kaniya, inilahad nito ang kamay nito upang alalayan siyang bumaba ng hagdan. Sa malawak na Veranda nila ginanap ang family dinner nila, nakita na ni Tassy ang kanyang amain na nakaupo na sa hapag kainan kung kaya't lumapit na sila doon ni Dawin at ginawaran niya ng halik sa noo ang kanyang tatay Julio. Masaya silang tatlo na nagkukwentuhan habang kumakain ngunit biglang napatingin si Tassy sa blangkong upuan na nasa tabi ni Dawin. Madalas kasing maupo si Dean sa tabi ni Dawin pag sila ay kumakain, at mukhang totoo nga ang sinabi nito na hindi siya makararating sa araw ng kaarawan ng dalaga. Nalungkot bigla ang mukha ni Tassy sa isiping iyon. "I already chatted kuya eh kaso hindi pa nag si-seen, mukhang busy," sambit ni Dawin at mukhang napansin pa yata ang lungkot sa mukha ni Tassy. "Darating din iyon, nagtext siya sa akin kanina at sabi niya ay hahabol daw siya," sambit naman ni Julio. "Kain nalang po tayo Daddy, Kuya," sambit naman ni Tassy at sumubo ng kanin at ulam. Nang matapos silang kumain ay inilabas na ng maids ang cake ni Tassy. "Make a wish, Sis!" sambit ni Dawin na excited na excited para sa kapatid. "Kuya ang tanda ko na para sa ganyan," tugon ni Tassy sa kaniya habang tumatawa. "Just make a wish!" pagpupumilit pa ni Dawin. "Sige na nga," ipinikit ni Tassy ang mga mata at saka hinipan ang kandila. "Ano ang hiniling mo?" tanong ni Dawin. "Aba, secret noh, bakit ko sasabihin sa'yo?" natatawang sambit ni Tassy sa kapatid. Walang nakakaalam, ngunit ang hiniling ni Tassy ay sana makasundo niya na ang kaniyang kuya Dean na buong buhay niya ay puro galit at sama ng loob na lamang ang hatid sa kaniya. Napamahal na siya sa pamilya Alvarez dahil napakabait ng mag-ama sa kanya. Lalong lalo na ang kanyang tatay Julio at gusto niyang suklian ang kabutihang ginawa nito pagdating ng araw ngunit kung hindi magiging maayos ang pakikitungo sa kanya ni Dean ay paano na lamang ang mga bagay na gusto niyang magawa para sa pamilya niya? URBN QC 10:30 p.m "I can't believe you rented this place for my birthday, kuya! Thank you so much! the best ka talaga!" sambit ni Tassy sa kapatid at sabay yakap dito. "Oh, regalo ko na to sa'yo ah, sana masaya ka ngayong birthday mo, Tassy," sambit ni Dawin. "Sobrang saya kuya! salamat!" sabi ni Tassy sabay kuha ng shot glass. Naroon na rin ang mga kaibigan at kaklase nila nang dumating sila sa lugar, kinailangan pa kasi ni Tassy na magpalit ng damit dahil mahaba ang silk dress niyang suot kanina, nagpalit siya ng gold deep cowl neck sequin club dress at nagsuot ng black chunky heels. "Happy birthday, Beshy!" bati ni Alice kay Tassy at bineso-beso niya ito. "Thank you, Alice, I'm so glad you're here!" tugon ni Tassy sa kaibigan. "Pwede ba naman akong mawala sa birthday mo? syempre hindi noh," sambit ni Alice sabay salin ng tequilla sa kanilang shot glass. "Party, party! Woohoo!" sigaw ni Dawin na siya namang sinang-ayunan ng lahat ng naroroon at mas lalo pang umingay sa loob ng night club. Uminom sila ng uminom nang gabing iyon, at alam ni Tassy sa sarili niyang lasing na siya ngunit ayaw niya pang tumigil sa kaka-inom. maya maya ay tumugtog ang "Baby One More Time" ni Britney Spears. "Good Evening, everyone! at syempre happy happy birthday sa ating magandang dilag ngayong gabi walang iba kundi si Miss Tacianna Phoebe Madrilejo! palakpakan!" masayang pag aanunsyo ng Emcee at nagsi-palakpakan ang mga bisita. "Sino nakakaalam ng kantang ito?! akyat dito sa stage dali!" dugtong pa ng Emcee. Nagsikantyawan naman ang mga bisita at binanggit ng binanggit ang pangalan ni Tassy. "TASSY! TASSY! TASSY!" sambit ng madla at napuno ang lugar ng ingay na iyon kung kaya't pinagbigyan na niya ang hiling ng kanyang mga bisita at umakyat sa stage, mas lalo pang tumindi ang hiyawan nang hawakan niya ang mikropono. "Give it up for the birthday girl, Ms. Tassy Madrilejo!" sigaw ng Emcee at hinayaan na siya angkinin ang stage. "Oh, baby, baby," naghiyawan pa lalo ang mga tao nang sinimulan niya na ang pagkanta sinabayan niya ito ng sexy dance moves. It's her talent, she knew how to sing and dance very well. She was born natural because her mother was a performer back then. "Show me, how you want it to be, tell me, baby, cause I need to know now, oh because, my loneliness is killing me," sinasabayan siya ng karamihan habang kumakanta sa stage at hindi niya alintana ang pagkahilong nararamdaman dahil sa epekto ng alak na nainom niya. Masaya silang nagkakantahan habang si Dean naman ay kakadating lang sa lugar sakay ng kanyang kulay itim na BMW ipinark niya iyon sa parking lot at pumasok na ng nightclub. He was still wearing his office attire dahil kagagaling niya lang sa trabaho. Habang papasok siya ay sumalubong sa kaniya ang makakapal na usok ng vape, mga nakakahilong alcoholic beverages, makukulay na ilaw at malakas na tugtugin ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino ang kumakanta sa harap ng stage. It was none other than Tassy, wearing a sexy and alluring mini silk dress and high heels while dancing and singing. Hindi niya maiwasang hindi maakit sa angking kagandahan nito ngunit biglang nagdilim ang paningin niya nang makita niya si Dawin, papalapit ito sa kaniya. "Kuya, buti nakahabol ka, kanina ka pa hinihintay ni Tassy, look how happy she was!" sambit ni Dawin ngunit kinuwelyuhan siya bigla ni Dean. "Damn it Dawin! you are supposed to take good care of her, not put her in danger like this! Look at what she's wearing!" galit na galit na pahayag ni Dean kay Dawin at tila binalewala ang pagnanasang nararamdaman para kay Tassy, napalitan iyon ng pag-aalala at pangamba para sa dalaga. "Relax Kuya, pag a-awayan pa ba natin ito?! I am taking good care of her! I mean look at her! she's singing, dancing and she's f*****g happy!" galit na sambit ni Dawin kay Dean. "Eh, putang ina mo pala eh! pag yan nalasing at may gagong bigla nalang manghipo at pagsamantalahan yan dyan may magagawa ka?! tignan mo nga iyang sarili mo, lasing ka ding hayop ka! this is enough! umuwi ka na! Ako na mag-uuwi kay Tassy," padabog na binitiwan ni Dean ang kuwelyo ni Dawin at galit na naglakad sa direksyon ni Tassy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD