Chapter 27

1101 Words

"Hoy! Pinikot mo lang ako, ako naman na mukhang pera eh, nagpauto sayo!" Singhal ko at tinaasan ko pa siya ng kilay habang nakapamewang. "Nako! Ikaw kaya ang nag aya agad sa akin," natatawa niyang sabi na tila nangaasar. "Anong ako? Manahimik ka nga Leandro. Manligaw ka muna bago yang kambal na sinasabi mo!" Inirapan ko siya at tinalikuran. Agad din akong naglakad papuntang pinto, at akmang lalabas na sana ako pero nagulat at napatili ako ng bigla niya akong hapitin sa bewang at dinala sa kama. "Ahhhh….. Leandro, ano ba!" Tili kong sambit ngunit natatawa. Napahiga kami sa kama habang nakatihaya ako sa ibabaw niya at nagpa padyak. "Ang dami mong arte, tuyoin ka na din ngayon?" Wika pa niya. Umalis ako sa kanyang ibabaw at umupo sa tabi niya sa kama at bumangon rin siya at niyakap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD