Two

1220 Words
Chapter Two "A-nong gusto mo, Zoey?" tanong ko rito. Deretso ang tingin sa mata ng kapatid na kababakasan nang matinding galit sa akin.             "Hindi ko gusto ang yaman ng pamilya n'yo, Quinn. Simula nang sapitin ko iyon ng dahil sa yaman ninyo nawalan na ako ng interes. Ayoko namang mawala sa pamilyang ito ang pinaghirapan ni Daddy kaya tama lang na isa sa atin ang magpakasal, at hindi ako 'yon!"             "Z-oey?" bahagya pang nanginig ang tinig nang banggitin ang kanyang pangalan.             "Ikaw ang gagawa nang kondisyon ni Daddy, Quinn!" mabilis akong umiling dito. Paano ko gagawin iyon, iyon pa nga lang idea na magpakasal ay malabo na sa isip ko.             "Zoey, may importante akong ginagawa at ang kasal ay makakasagaba---"             "Gawin mo!" mariing sabi nito.             "Zoey, k---asi wala rin naman akong boyfriend na pwedeng hilain at pakasalan!"             "I know someone. Gawin mo ang lahat nang sasabihin ko sa 'yo. Gusto mo nang kapatawaran ko? Ibibigay ko sa 'yo iyon, sa isang condition. Pakasalan mo ang taong napili ko." Dama ko ang kaseryosohan nang ibig nitong mangyari at ipagawa sa akin. Huminga ako nang malalim.             "Kapag ba ginawa ko, patatawarin mo na ako? Maibabalik na ba natin sa dati ang lahat?" tanong ko rito. Umaasang sasagot ito ng 'Oo'.             "Oo!" nakahinga ako nang maluwag sa naging tugon nito."Pero mabigat ang gusto kong kapalit. Malaki ang kasalanan mo sa akin, at ang patawarin ka ay hindi madali."             "Handa ako, sabihin mo sa akin kung ano ba ang gusto mo. Gagawin ko, Zoey." Tinabig nito ang kamay ko.             "Magkita tayo mamayang gabi, sa paborito nating coffee shop, 8 pm." Humakbang ito palayo sa akin at sumenyas rin na umalis na ako. Bagsak ang balikat na humakbang ako paalis. Gusto kong maramdaman ang yakap ni Mommy ngayon. Kaya dali-daling umalis ako ng mansion at umuwi sa bahay ng Mommy ko. Agad na yumakap dito at 'di na pinigil pa ang sariling umiyak.             "What happened? Quinn, why?" worried na tanong nito. Kahit pa gaano ka katapang, pagdating sa pamilya, mahina ka.             "Daddy is sick, Mom!" matapang ako, ang dami ko nang pagsubok na nalampasan. Pero pagdating sa pamilya para akong pusong mamon.             "What? He's sick?" lumarawan ang lungkot at takot sa expression ng mukha nito. Mahal pa rin ni Mommy si Daddy, kahit pa sobrang nasaktan ito sa ginawa ni Daddy sa kanya. Sinimulan kong ikwinento rito ang napag-usapan namin ni Daddy, at kahit pa may sakit ang aking ama, sunod-sunod na mura ang lumabas sa bibig ni Mommy nang malaman ang condition ni Dad na nakasaad sa Last will and testament nito.             "Anak, hindi mo kailangan gawin 'yan. Sa kanya na ang pera, depunggol s'ya!" bahagya akong na tawa sa sinabi nito.             "Mhie!"             "Basta anak, hindi mo kailangan gawin 'yan. May pera naman tayo. Tatlong beses pa rin naman kumakain sa isang araw. May merienda at pang-shopping." Sa totoo lang maayos naman ang takbo ng negosyo nito. Wala nga akong ambag sa kabuhayan nito, eh. May mahalaga akong ginagawa na walang idea ang lahat.             Tungkol iyon sa nakaraan namin ni Zoey. Nakaraang sumira sa pagiging magkapatid naming dalawa.             Nagkulong lang ako sa kwarto ko. Sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Pero walang nakakaalam ni isa sa pamilya ko.               MEDYO LATE AKONG DUMATING sa usapan namin ni Zoey. Naroon na ito nang dumating kami. Pamilyar ang kasama nito pero kahit anong isip ko kung saan ko ito nakita ay 'di ko naman maalala.             "Zoey!" sumenyas ito na maupo na sa bakanteng upuan kaya naman umupo ako roon.             "He's Abe, my boyfriend!" Abe? Wala akong kilalang Abe. Baka kamukha lang nito. Tinanggap ko ang inilahad nitong kamay.             "I'm Quinn, Zoey's sister." Sabi ko. Tumango lang naman ito. Pinagmamasdan ko ang lalaki na ngayon ay nakatingin na sa kapatid ko. Dama ko sa tingin nito ang sobrang pagmamahal kay Zoey sa paraan nang pagtitig nito.             "Let's talk now!" seryosong-seryoso ito. Kaya naman mabilis na kumabog ang dibdib ko. Huminga ako nang malalim sabay upo nang maayos.             "Okay!"             "Makakabawi ka lang sa akin kapag pinakasalan mo si Abe." Natigilan ako sabay salubong ng kilay ko at tingin dito.             "Boyfriend mo s'ya--"             "May pangarap pa ako na mahahadlangan nang pagpapakasal, Quinn. Nagkausap na kami ni Abe," sabay tingin sa kasintahan nito na tumango lang sa dalaga sabay gagap sa kamay nito at bahagyang pinisil iyon."Naunawaan n'ya na may pangarap pa ako na gusto kong abutin, kailangan n'ya na ring magpakasal at magkaroon ng anak. Gusto ko na ikaw ang babaeng pakasalan n'ya, dahil tiyak ko na kapag na tapos na ako sa pangarap ko ibabalik mo s'ya sa akin." Napaka-selfish ng tunog ng bawat katagang lumalabas sa bibig ni Zoey. At parang ayaw i-absorb ng utak ko ang lahat ng iyon.             "Siguro naman hindi ka aatras. Akala ko ba gusto mong makabawi sa kasalanan mo sa akin?" naluluhang tanong nito. Huminga muna ako nang malalim at marahas na namang napabuntonghininga.             "Z-oey!"             "May opportunity na, Quinn. Pipirma na ako ng contract. Alam mong pangarap kong maging modelo nang pinakasikat na company---napansin na nila 'yong potensyal ko." Hinawakan nito ang kamay ko."Please, gawin mo 'to, Quinn. Hindi ko kayang makita si Abe na maikasal sa iba. Mas kilala kita, alam kong ibabalik mo s'ya sa akin kapag tapos na ako sa pangarap ko, na naudlot dahil sa nangyari sa akin ilang taon na ang nakakaraan. Alam mo kung gaano nawalan nang dereksyon ang buhay ko. Si Abe, s'ya 'yong tumulong sa akin na maging okay ulit. Kailangan n'ya nang tulong ko, pero hindi ko magawa ngayon kasi kailangan kong umalis. Please, please---" she's crying now, at sobrang bigat sa dibdib na makita itong umiiyak. Hindi ko na rin namalayang umiiyak na ako.             "Kailangan ni Abe ng babaeng pakakasalan, kailangan n'ya ng babaeng magbibigay sa kanya ng anak dahil iyon ang gusto ng kanyang Lolo. Quinn, mawawasak na naman ako kapag ibang babae ang gumawa noon para kay Abe." Niyakap ito ng lalaki na kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao. Base sa kilos nito, nasasaktan ito para sa kasintahan nito.             "I'm sorry, Babe!" sabi nito kay Zoey. Habang si Zoey ay yumakap na rin dito at tuluyan nang umiyak. Huminga ako nang malalim. Waring tinatantya ang magiging sagot dito. "Magiging masaya ka ba talaga kapag ginawa mo 'yon? Kapag naabot mo ang pangarap mo?" mabilis na bumaling ang tingin nito sa akin at sunod-sunod na tumango.             "O--oo, Quinn!" muli nitong inabot ang kamay ko."Please!"             "S-ige. Gawin mo ang gusto mo, pangako ko sa'yo pagbalik mo, aayusin natin ang lahat. Magiging masaya ka rin." Sabi ko rito. Sa galak nito, mabilis itong tumayo at mahigpit akong niyakap. Nagtama ang tingin namin ng kasintahan nito. Umagos ang masaganang luha sa mga mata ko pero mabilis ko iyong pinahid.             "Thank you! Thank you, Quinn!" dehado ako. Pero para sa kapatid ko, gagawin ko ito. Malaki na ang pagdurusa nito. Kung ang pagtungo nito sa ibang bansa at pag-abot nito ng pangarap ay ang susi para maging masaya itong muli, uunawain ko. Dahil ganoon ko kagustong makabawi sa kanya.             EVERYTHING HAPPENED SO FAST. Nang makompleto ang mga papeles para sa kasal namin ni Abe, ikinasal kami na wala man lang nakakaalam isa man sa magulang namin. Pagkatapos ng kasal, wala man lang pasabi si Zoey na umalis ng bansa. Kahit pa ang kasintahan nitong si Abe na kitang-kita ko ang disappointment nang nalaman iyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD