Ten Tahimik lang sa sasakyan si Abe. Habang ako nakuha ko pang maglaro sa cellphone ko. Hindi naging maganda ang huling usapan kanina. Apektadong-apektado ang lalaki habang ako, saan ba nakakabili nang pakialam? Pasimpleng sinulyapan ko ito. "Hindi mo dapat---" "Hindi mo ako dapat isinama roon kung manonood ka lang pala, siguro kaya hindi mo rin iginiit kay Zoey na s'ya na lang ang pakasalan kasi alam mong dadanasin n'ya 'yon, mas malala pa tiyak." "Huwag mong babangitin ang pangalan ni Zoey kapa---" "Huwag kang maggalit-galitan kung hindi mo kayang patunayan ang sarili mo, mayaman ka, hindi mo kailangan ang negosyo ng Lolo mo, gusto ko tuloy malaman kung ano ang rason mo para maging 'aso' na sunod-sunuran sa matandang iyon!" "Quinn!" malakas nitong sigaw. Mukhang bumibingo na ako