12

1483 Words

Twelve Wala si Abe, kinailangan nitong umalis ng bansa para sa conference nito. Sa pagkakaalam ko, makikipagkita rin ito kay Zoey. Pabor sa akin iyon, may order na mula sa taas na simulan ko na ang trabaho. Pumasok ako sa itinalagang office ni Mommy para sa akin. Inabutan ko roon ang taong gagawa ng lahat nang trabaho para sa akin, nginitian ko ito at sinenyasan na aalis na ako. Dumaan ako sa isa pang pinto kung saan mabilis akong nagpalit ng damit. Nilampasan ang mga bodyguards na nasa waiting area at abala sa pagbabasa ng mga magazine. Dapat mag-imbak ako nang pagkakaabalahan ng mga ito. Hindi pa rin pumayag si Abe na walang bodyguards. Ipinangako ko rito bago ito umalis na magpapakabait ako, syempre inaalala ko rin na baka totohanin nga nito ang pagsusumbong kay Zoey. Pumayag pa nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD