Fourteen Para s'yang walang kapaguran na nagpabalik-balik sa paglangoy. Medyo mainit na pero parang balewala lang sa kanya. Plano ko sanang panuorin lang s'ya pero nagpasya na akong lumapit at tawagin s'ya. "Magpahinga muna tayo." Sabi ko rito na agad ibinalot dito ang twalyang dala ko ng umahon ito. Iba ang epekto sa akin ng presensya ni Quinn, mas lalo kapag nasa ganitong ayos ito. "Thanks." Hingal na sabi nito at hinawakan ang dulong parte para hindi malaglag. Inakbayan ko s'ya at iginiya pabalik sa bahay. Uuwi ang caretaker sa ipinatayo kong bahay nila. Nasa bandang dulo lang ng lupain ko. Kami lang ni Quinn ang maiiwan dito. Babalik lang sila kapag uuwi na kami. Pumanhik kami sa silid, deretso banyo agad ito habang ako, nagtungo ako sa maleta n'ya at naghanda nang isusuot n'ya.