Chapter 76 Garth Liu POV Aish! Ba't ba ako umalis agad? Tsk. Ito na seguro ang sinasabi ni Aston sa 'kin. Natotorpe na naman ako. Kainis! Si Jeisen naman kasi. "Woah! Liu, andito ka lang pala. Bigla ka nalang nawala. Kanina ka pa namin hinahanap ni Jin. Nagsosolo kana ha." Speaking of the asshole. "Tsk. May hinahanap lang din ako." "Nakita ko sila papuntang CAS field." "Sila?" tanong ko kay Jin. "Yeah, sila. Si Jeisen and her friends," sagot nito at naglakad na. "May kasama rin silang tatlong bata. Kamukha mo pa 'yong isa. Pero pala ngiti lang 'yon. " Ang magkapatid na sina Justin at Arianna. Tapos ang batang pangarap maging kapwa na tawag sa 'kin ay 'oppa'. "Si Liujee 'yon," sabi ko. "Woah. Nagkabuntis ka ba, Liu?" Binatukan ko si Aston. Napakamot agad 'to ng ulo. Kung ano-