SHE almost jumped to her feet nang may biglang bumusina sa kanyang likuran. Agad naman siyang tumabi para makadaan ang sasakyang iyon. Naglalakad siya ngayon papunta sa university. It's still 7 in the morning at 7:30 pa ang klase niya. She woke up at 5:00 AM ngunit hindi na siya nakatulog ulit. Kaya napagdesisyunan nalang niyang maghanda para sa kanyang pasok.
Mahina siyang napamura nang maalala niyang malapit na alas otso pumapasok ang guro nila sa subject nila ngayon kaya ang mga kaklase niya pumapasok malapit na rin 8.
Agad siyang nagtungo sa classroom nila and true enough, siya pa ang naroroon. She settled on her usual seat and played her playlist. The playlist she had when she was still young. The one she remembered noong bata pa siya. Hindi niya alam ngunit tumatak iyon sa isipan niya. She can't even remember when she started listening to it.
She was humming the song and closed her eyes as she savored the melody. Ngunit bigla siyang napatayo sa upuan at napalingon sa gawi ng bintana.
"Wow." Usal ng lalakeng naroon. Binigyan siya nito ng namamanghang tingin and that's when she realized she is in her fighting stance.
But what's more surprising is the fact that the prince is here once again. Damn it.
"What the heck are you doing here?"
"The usual." Saad ng lalake habang isinara ang bukas na bintana. Hindi man lang niya narinig ang pagbukas niyon kanina.
"I told you, didn't I? Hindi ako sasali."
Narinig niya ang pagbuntong hininga ng binata at umupo ito sa silyang naroon, crossed his legs and rested his arm on the arm rest. Napataas ang kilay niya.
"Ten minutes from now, my classmates will start arriving. Umalis ka na."
"So?" Saad nito at prenteng nakaupo sa silya na para bang wala itong planong umalis.
"Nababaliw ka ba? Magtataka sila kung anong ginagawa mo rito."
"I'm visiting my girlfriend." Ibinaba nito ang suot na shades at inilagay sa arm rest ng silya. "How's that? I'm thrilled kung ano ang magiging reaksyon nila once malaman nilang boyfriend mo ako."
"Shut up. And don't even think about doing it."
"Believe me dear kayang kaya kong gawin iyon."
"What the bloody hell do you want!?"
"Meet me at the rooftop after your class." Kumindat ito sa kanya at isinuot pabalik ang shades. Binuksan ng lalake ang bintana ngunit bago pa man siya umakyat roon ay lumingon ito ulit sa kanya.
"And don't even think about ditching me, lady." Saad nito saka umalis doon. She sighed in relief at napamura ng mahina. Bakit ba siya kinukulit ng lalakeng iyon? As far as she can remember, she erased all the traces of her when she left the organization. Hindi naging madali iyon but she was sure she did it successfully. Hindi niya mapigilang isipin kung paano siya natunton ng binata.
SHE spent her time thinking about what the prince said. She's still thinking kung pupunta ba siya mamaya o hindi. Heck, she's not even curious kung ano ang nais nitong pag usapan. Ano pa bang gagawin nila sa rooftop?
Napatingin siya sa orasan na naroon. Huling subject na niya ito and it's already 4:26 in the afternoon. Four minutes nalang at makakauwi na siya.
When their professor finally dismissed them, nanatili siya sa loob ng classroom and pretended she's looking for something inside her bag. Her friends called her ngunit pinauna na niya ito. Nang masiguro na niyang wala nang ibang tao roon ay saka siya umalis.
Hindi niya alam kung seryoso ang lalake sa sinabi nito kanina. Wala rin siyang planong siputin ito. She scanned her eyes around the vicinity ngunit wala siyang makitang kahina hinala kaya binilisan niya ang kanyang lakad.
Natatanaw na niya ang exit gate and she sighed in relief. The prince probably waited for her at the rooftop. She smiled wickedly at the thought.
"Mabulok ka sana sa kakahintay." Bulong niya nang makalabas siya sa gate.
But her bubble burst nang makalabas siya nang tuluyan. Dahil sa labas ng kanilang paaralan, sa exit gate, to be exact, nakaparada ang motorsiklo na walang kasing gara dahilan para humakot ito ng atensyon. Ngunit ang mas nakahakot ng atensyon ay ang ang driver nito. Nakasuot ito ng shades at cap ngunit hindi iyon naging dahilan para hindi niya ito makilala. Postura palang nito kilalang kilala na niya. At kahit nakatakip ang halos kalahati ng mukha ng lalake, he still managed to get the attention of the crowd because was leaning in his bike like a goddamn model.
"Oh shit." Bulong niya na parang naestatwa sa kinatatayuan.
Bahagyang ibinaba ng lalake ang suot na shades at tiningnan siya. He smirked and waved at her na para bang sinasabi nitong hindi siya makakatakas.
Sinamaan niya ito ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. It was a relief na pinauna niya ang kanyang mga kaibigan dahil kapag nagkataon, maghahanap na naman siya ng palusot kung sino ang lalakeng kumakaway sa kanya.
"Miss!" Sigaw ng lalake dahilan para mapamura siya. Naglilingunan na ang mga tao sa kanya.
"Damn. Damn it, Nat. Continue walking. He just called you Miss. Maraming babae rito. People won't think it's you." Bulong niya sa sarili habang mas binilisan pa ang paglalakad.
"Natasha June Atkinson!" Napatigil siya sa paglalakad at napamura ng mahina. Napatingin siya sa isang lalakeng nasa gilid na nakatingin sa kanya. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Ti-tinatawag ka ata, Miss." Nauutal na sambit ng lalake sabay turo sa likuran niya.
"Hindi ko pangalan ang tinawag niya." She said at mas binilisan pa ang paglalakad.
"Oy! Natasha! Hindi ako aalis rito hangga't 'di ka makikipag usap sa'kin!"
"Anak ng--" marahas siyang lumingon at labis nalang ang pagkagulat niya nang makitang nakaupo na ang lalake sa daan. The students are looking at her now at gustong gusto na niyang lamunin ng lupa. Sinamaan niya ng tingin ang lalake at nagpatuloy sa paglalakad.
"No one knows my name here. They won't know na ako si Natasha June --"
"Babaeng naka white tshirt, nakafaded blue jeans, nakaconverse na maroon at may bitbit na librong Biochemistry! Kung nakikita ninyo ang babaeng tinutukoy ko, pakisabi sa kanya na bumalik rito."
At that moment, she clearly saw how the people's eyes landed into her. She froze. Walang ibang babaeng tinutukoy ang lalakeng iyon kundi siya lang. At anak ng tupa! Gusto na niyang lamunin ng lupa ngayon na!
"Oy, miss! Kausapin mo na 'tong boyfriend mo para makadaan na kami!" Sigaw ng isang driver. Marahas siyang napalingon and true enough, nakaharang nga ang lalake sa daan. Gusto niya itong tadyakan but all she can do is mutter curses under her breath.
Nakangising nakatingin sa kanya ang lalake na para bang inaasar siya nito. Wala siyang ibang nagawa kundi lapitan ang lalake. Pinandilatan niya ito ng mata at ngumisi lang ito sa kanya saka tumayo. Pinagpagan nito ang suot na jeans at pasimple niya itong sinipa sa tuhod dahilan para mapa aray ito sa sakit.
"Sa susunod kapag nag aaway kayo ayusin niyo agad! Hindi iyong nang aabala kayo ng ibang tao." Sigaw ng isang driver sa kanilang dalawa. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Sige po, pasensya na ulit." Nabaling ang tingin niya sa lalakeng kaharap at sinamaan rin ito ng tingin. He just shrugged and smiled. Inirapan niya ito at nagsimulang maglakad.
TILA walang gustong bumitiw sa kanilang dalawa. They stood face to face at nagsusukatan ng tingin. Hindi niya alam kung inaasar ba siya ng lalake o ano dahil hindi naman ito nagsasalita.
"Magsasalita ka ba o ibabalibag kita?" She broke the silence. Nasa children's park sila ngayon dahil dito niya naisipang tumigil para makapag usap sila sa nais pag usapan ng lalake ngunit hindi naman ito nagsasalita.
"You know why I came here." Saad ng lalake.
She scoffed.
"And you know my answer."
Narinig niyang bumuntong hininga ang lalake at tumingin sa kanya ng seryoso. Kumunot ng bahagya ang noo niya. Hindi niya maiwasang magtaka kung bakit pursigido itong kunin siya para sa isang misyon nito. What does he truly want? Iyon ang tanong niya.
"I guess I have no choice. I need to do all means to get you to help me."
Kumunot ang noo niya nang maglabas ang lalake ng isang brown envelope at ibinigay iyon sa kanya. Nagtatakang tinanggap niya iyon without breaking eye contact from him.
"What's this?" Tanong niya sa lalake habang nakatingin pa rin rito at hindi sa envelope.
He just shrugged.
"See for yourself."
Napalunok siya.
She opened the envelope at nahigit niya ang hininga. Sa unang pahina ay nakita niya ang insignia ng organization kung saan siya umalis. Ang organisasyong sumira sa buhay niya. Hindi niya mapigilang manginig. Hindi niya alam kung anong laman noon maliban sa pahinang nakita niya. Hindi niya rin alam kung bakit pinapakita ito sa kanya ngayon.
She looked at Pierce na tahimik na nagmamasid sa kanya. Hindi niya pinahalata ang kabang nararamdaman niya lalo pa't kaharap niya ito.
She flipped the page at nakita niya ang personal information niya. Alam niyang confidential ito pero bakit nasa kamay ito ng lalake? He can only acquire these kinds of information kung miyembro siya ng organisasyon. At sa pagkakaalala niya, she already deleted all of her files and information from the organization's database ngunit bakit may kopya ang lalakeng ito? What the hell is going on here?
Tila napansin ng lalake ang pagkalito sa mukha niya kaya agad itong nagsalita.
"Ask questions later. For now, take your time and look at those."
The paper contained her name, address, age, at lahat ng personal na impormasyon tungkol sa kanya. And that was four years ago. Nakita niya rin ang litrato niya na nasa gilid. A twelve year old portrait of herself.
Looking at her picture took her to the past. It was taken when she first entered the organization, when she was first taught of how to hold the knife instead of how to hold a pen.
Pinakli niya ito sa susunod na pahina and that's when she muttered a curse. Napatingin siya sa lalake at nakatingin lang rin ito sa kanya. As if telling her to continue.
Pinakli niya sa susunod na pahina at domoble ang kaba niya.
It's because the rest of the pages contained pictures of her going to school, to work and even inside her apartment. Nakunan rin ng litrato ang pagpunta niya sa unit ng bagong lipat niyang kapitbahay and even her fight with three men that happened recently.
"What...how?" Dahil sa gulat at kaba, she can't even form sentences properly. The organization is following her?
"They've tracked you." Napatingin siya sa lalake. Confusion still visible on her face.
"They're going after you, Natasha. Every single one of you who left the organization."
"But why?" It's been four years since she left the organization. If the organization was concerned of the information they might leak, then why act now? They have four years to do it. Bakit ngayon?
"They've come after you. They want test subjects strong enough to deal with their experiments."
She've been expecting this to come but not this soon. She knows this project. It was just a fantasy at hindi niya akalaing matutupad iyon. The project was called Project Genesis.
"You mean to say, they've prefected it?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa lalake.
"Not yet. Pero kapag nakuha ka nila at ang iba mong kasama, they can test it on you and that's the time they'll know if they've perfected it or not."
Kinuha ng lalake ang envelope mula sa kanya at tiningnan siya ng seryoso.
"Four of you left the organization at the same time and they've been observing your actions just recently. I need you to help me find the remaining three so that they won't complete the project. You know about this project, am I right?"
Dahan dahan siyang tumango. Still having a hard time digesting everything.
"It was proposed to enhance human ability."
"Partly."
Napatingin siya sa lalake. Anong ibig nitong sabihin?
"They wanted to produce killers. To assassinate every powerful body. What they want is mass killing. To rule over the kingdom."
"What!?"
"That's why I need your help. I need you to help me find the other three and with your knowledge about the organization, maybe we can stop it."
Napatingin siya sa lalake. Seryoso ito. Hindi niya alam kung anong isasagot dito. She vowed never to set foot in the organization again.
"It's time to face your past and get over it, don't you think?"
She felt his hand on top of her shoulder.
And that's when it came into her. That maybe it's time to face the past she buried long ago. The past is hunting her now at hindi siya basta basta papayag na magpatalo rito. If she needs to fight and be the one she was before, then she'll do it kung ang magiging kapalit ay ang kalayaan niya mula sa kanyang nakaraan.
"After this, you leave me alone." Saad niya sa lalake dahilan para magpakawala ito ng malapad na ngiti.
"Let's see." Saad ng lalake at kumindat pa sa kanya dahilan para irapan niya ito.
* * *
Hello! So the setting of this story is kasabay kina Samantha and Zyon.
And sorry for the very late update.
Goodnight, everybody :)