Chapter 3 : Persistence, Sadness, Happiness

2356 Words
ISANG linggo na ang nakalipas matapos ang nangyaring insidente sa kwarto niya. At dahil sa pangyayaring iyon, she became more wary of her surroundings. Kapag lumalabas siya sa kanyang apartment, pinapakiramdaman niya muna ang paligid bago pumunta sa university. Pati ang pagpasok niya sa kanyang kwarto, she became alert in that aspect too. So far, payapa ang buhay niya. Hindi na nagpakita sa kanya ang prinsipeng iyon na pinagpapasalamat niya ng lubusan. She thought her life would be peaceful once again. Ngunit nagkakamali siya. "Good Evening." Ibinaba ng lalake ang suot na shades at kinindatan siya. She's standing face to face with the prince again. Isang linggo itong hindi nagparamdam sa kanya. Payapa na ang buhat niya dahil wala nang gumugulo sa kanya para sumali sa secret band nito. Tapos magpapakita na naman ito? What the heck is this man doing in her workplace? Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang tray dahil pinipigilan lang niya ang sariling huwag itong hampasin nito. Agad umupo ang lalake sa bakanteng upuan doon with his legs crossed and his hands folded on top of his knees, leaving her dumbfounded. She's still glued to her position habang mahigpit na nakahawak sa tray. Narinig niyang tumikhim ang lalake dahilan para mapapikit siya nang mariin. "Excuse me!" Rinig niyang tawag ng lalake. Siya lang ang available na server dahil absent ang dalawa pa niyang katrabaho na kasama niya sa pagseserve. Napabuntong hininga siya and took a deep breath. "God help me not to kill this bastard." She muttered before she face the Prince at nginitian ito nang pagkatamis tamis. Nilapitan niya ito at padaskol na kinuha ang menu sa kabilang mesa. She handed it to him. Ibinaba ng lalake ang suot na shades at tiningnan ang menu without getting it from her hand. The way his eyes move, napagtanto niyang namimili na ito ng gustong orderin. She grit her teeth. "You can hold the menu by yourself, sir." She said habang binigyang diin ang salitang 'sir' at inilagay ang menu sa ibabaw ng mesa nito. Napatingin ang lalake sa kanya and gave her a smile. Muntikan na niyang mapairap. "You choose what I eat, Miss Assa-- oops, my bad. I mean Miss Atkinson." Ngumiti ito nang nakakaloko sa kanya bago inayos ang suot na glasses. Wala siyang magawa kundi bigyan lang ito nang nakakamatay na tingin at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa tray dahilan para tumunog ito. Sign that she broke it. "Wow. You've got strong hands for a server." Napapikit siya nang mariin. "Yes sir. I have strong hands enough to squash annoying bugs. And you know what I mean." She said at agad umalis sa table na iyon. Baka kapag hindi siya umalis agad, mapatay niya nang wala sa oras ang lalakeng iyon. Nagpunta siya agad sa kusina at nilapitan ang isa niyang katrabaho na nagsilbing chef sa shop na iyon. "Make our special meal. Someone ordered it. And make it extra spicy. He particularly said he like spicy foods." Nginitian niya ang nagluluto at tumango lang ito. She smiled triumphantly. "Let's see how much you can handle, Your Royal Highness." She whispered and laughed like a maniac internally. She did her best to serve the other costumers but the prince kept calling her to get a glass of water. Ibinagsak niya ang isang basong tubig sa harapan nito. Pang limang baso na ito ng lalake. Inis na rin siya sa nagluluto doon dahil hindi pa rin natatapos ang inorder nito. She wants him to eat and then leave. Ngunit napipikon na rin siya sa chef ng shop dahil sa tagal nito sa pagluto sa inorder ng lalake. Napatingin ito sa kanya at nagtaas ng kamay. Nanlaki ang mg mata niya nang magsumbong ito sa manager nila na nakatayo lang hindi kalayuan sa kanila. "Excuse me manager, but your employee seem to have a problem with --" bago pa man nito matapos ang sasabihin, kinuha na niya ang baso ng tubig at pilit itong pinainom sa lalake. "You shut up!" She said while gritting her teeth at pinandilatan na rin niya ito ng mata. Kinuha ng lalake ang baso mula sa kanya at nilagok iyon ng tuluyan. Matapos non ay tumingin ito sa kanya at ngumisi. "I want another glass."  Napapikit siya nang mariin at matalim itong tiningnan. The prince didn't even falter. Gustong gusto na niya itong bugbugin gamit ang tray na hawak niya o di kaya'y ipakain dito ang basong nasa mesa pero pinigil niya ang sarili. "Gaano ba kalaki 'yang pantog mo?"  Tanong niya dito. Ngunit sa gulat niya ay ngumisi ito nang nakakaloko at dahan dahang ipinatong ang baba sa likuran ng palad nito. "Ang pantog ko ba talaga ang tinutukoy mo?" She heaved a deep breath at hinilot ang kanyang sentido. "Kung ayaw mong sipain kita palabas manahimik ka...kamahalan." nginitian niya ito ng matamis nang makita niyang nakatingin sa gawi nila ang kanyang manager. Agad rin siyang umalis sa table at nagpunta sa kusina. Pabagsak niyang binuksan ang pintuan doon dahilan para mapatigil lahat ng tao doon sa loob. "Hindi pa ba tapos ang pinaluto ko kanina? Kailan niyo balak tapusin 'yan?" Nagngingitngit niyang tanong. Dali daling lumapit sa kanya ang babaeng walang ginagawa at ibinigay ang tray na may lamang pagkain. Tiningnan niya ang babae. "You give that to table number 6 at baka makapatay ako ng tao kapag ako ang nagserve niyan." "Si-sige." Tanging sagot ng babae at agad lumabas sa kusina. Lumagok siya ng dalawang basong tubig. She's aware of the silence in the kitchen. Alam niyang natatakot ang mga ito sa kanya because come on, she was an assassin. And she's got a very intimidating aura. Agad rin naman siyang lumabas doon at inasikaso ang iba pang mga customer. Nakita niyang panay ang pag inom nito ng malamig na tubig dahil sa anghang ng pagkain nito. Lihim siyang napatawa. Nagpapasalamat siya at hindi na siya inaabala ng lalakeng iyon. Ngunit ang ikinaiinis na naman niya ay hindi pa rin ito umaalis kahit tapos na ito sa pagkain. Maraming desert sa mesa nito ngunit hindi naman ito ginagalaw ng lalake. He's wearing shades ngunit alam niyang sa kanya nakatitig ang lalake. Napatingin siya sa orasan. It's already 10:45 in the evening at hindi pa rin ito umaalis. Ito nalang ang natira nilang costumer dahil fifteen minutes nalang, magsasara na sila. Nakita niyang nilapitan ng isang crew nila ang lalake at kinausap. Maya maya pa ay kumuha ng cake box ang crew at inilagay doon ang mga desert na inorder ng lalake. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang papalabas na ang lalake sa shop nila. "That guy was weird." Rinig niyang sabi ng katrabaho niya. Ito yung babaeng tinulungan niya sa figurine nitong muntikan nang malaglag. Hindi na siya umimik at nagbihis nalang. "Nga pala, salamat sa pagsalo mo sa figurine na 'to ha?" Itinaas ng babae ang kamay nitong may hawak na figurine. "It's fine." "Salamat talaga. Ito nalang kasi ang naiwan sa'kin sa nasunog naming bahay. My mom and dad and siblings did not survive. And this figurine was my mom and dad's most treasured thing." Napatingin siya sa babae at nakatingin ito sa figurine na hawak. "Mag iingat ka nalang sa susunod." Tipid niyang sagot dito at umalis doon. She doesn't have time for sentimentals. It seems that all of her emotions drained four years ago when his younger brother was killed in front of her and his older brother being killed by her. At sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. She'll bring that sin hanggang sa mamatay siya. "Nat?" "Y-yes? Sorry. Ano nga sinasabi mo?" "I said, mauna na ako." "Ah sige. Ingat ka." Nginitian niya ito bago bumuntong hininga. She change her clothes at napagdesisyunan na ring umalis. Nagpaalam muna siya sa mga katrabaho at sa manager nila and made her way out. Maganda ang panahon. Iyon ang napuna niya nang tumingin siya sa itaas. Halos wala nang dumadaang sasakyan dahil alas onse na ng gabi. Isinuot niya ang hood ng kanyang suot na jacket at nagsimulang maglakad. Nang dumaan siya sa isang convenience store, she decided to buy a couple of beer. Dumaan rin siya sa isang shop para bumili ng cake. Today's the birthday of her younger brother, Santi. It's been four years simula nang mawala ito and there are no days na hindi siya nangungulila dito. Napatingin siya sa daan. Blurred. Mahina siyang napamura at agad pinunasan ang mata. "Damn it." Napatingin siya sa children's park na naroon. May mga estudyanteng nag eensayo sa pagsayaw, may nagbabasketball kahit gabi na, may mga batang kalye na nakaupo sa mge bench habang kumakain ng dessert. Bigla siyang napatigil sa paglalakad at tiningnan ulit ang mga batang kalye na abala sa pagkain. Dumapo ang mga mata niya sa kahon na naroon. Jonah's Crib. Iyon ang nakasulat sa kahon and that's where she work. Napatigil siya sa paglalakad nang makita ang isang bulto ng tao na nakaupo sa pinakadulo ng bench. Nakatingin ito sa cellphone nito kaya hindi na nito napansin ang paglapit niya. Kinuha niya ang isang can ng beer at binuksan iyon. She handed it to him dahilan para mag angat ito ng tingin. Gulat ang rumehistro sa mukha nito habang nakatingin sa kanya, sa beer at pabalik ulit sa kanya. "Tatanggapin mo ba o ano?" Tinaasan niya ito ng kilay. Dahan dahan namang kinuha ng lalake ang can sa kamay niya habang nakatingin pa rin sa kanya na para bang hindi ito makapaniwala sa nakikita. "Walang lason 'yan, Kamahalan and I doubt it if a simple poison could even kill you." Sabi niya at binuksan ang isa pang lata ng beer at nilagok iyon. Nang maramdaman niyang nakatingin pa rin ang lalake sa kanya, nilingon na niya ito. She sighed at kinuha ang beer ng lalake at ininuman ng konti at saka niya ibinalik sa kamay nito. "Nothing happened to me, see? Walang lason 'yan. Don't worry." "No. It's just that I can't believe it." "Anong I can't believe it pinagsasasabi mo 'jan?" "Pumapayag ka na sa alok ko." "Hell no!" Napalingon siya sa paligid dahil napalakas ang boses niya. She cleared her throat at nilagok ang kanyang beer. "So why are you here?" Tanong niya sa lalake. "Nagpapahangin." "You fed the kids." "Yeah, well, you see sobra ko ang mga iyon mula sa shop ninyo." Nagkibit balikat siya. "Okay." She decided to leave. Naubos naman niya ang beer niya and she has something to do too. "Goodnighy, Your Highness. And with regards to your offer, I politely decline." "I can offer you money, if you want." Muntik na siyang mapatawa. "I get paid enough to sustain my needs so no, thankyou. I am sure there are others out there who are much more capable than me and who needs that money more than I do. Have a goodnight, Your Highness." She said ngunit bago pa man siya makaalis, she heard him say, "I'll get you to work with me Natasha. By hook or by crook." Hindi na niya ito nilingon at nagpatuloy nalang sa paglalakad. NANG makarating siya sa floor kung nasaan ang kanyang apartment, muntik na siyang mapamura sa nakita. Wala na namang ilaw ang hallway nila. Kakabili lang niya ng bagong ilaw tapos mapupundi na naman? Nilapitan niya ito at tiningnan only to realize something. Hindi ito napundi. It was broken. Something must have hit the bulb kaya nabasag iyon. Napatingin siya sa sahig to look for shards of glass ngunit wala na siyang makita. Probably nilinis na iyon ng kung sino mang may kagagawan nito. Akmang papasok na siya sa kanyang kwarto nang bumukas ang elevator at iniluwa doon ang mag ina. Hawak hawak ng nanay ang kamay ng batang lalake. Napansin ng nanay na nakatingin siya kaya nginitian siya nito. Ngayon lang niya nakita ang mag inang ito. "Magandang gabi. Bagong lipat kami jan sa tapat." Ngiti ng babae. Hula niya'y nasa late 20's pa ito or early 30's. Napatingin siya sa bata na nagtatago sa likod ng binti ng kanyang ina. "At oo nga pala. Nung binubuhat na kasi ang mga gamit namin, nasagi ng closet namin ang ilaw kaya bumili kami ng bago. Sino ba pwede kong lapitan para iayos 'to?" "I can do that." Nakita niyang nagliwananag ang mukha nito. SHE smiled nang makita ang batang lalakeng enjoy na enjoy sa pagkain ng cake. She's currently enjoying the company of her new neighbor. "Reena nga pala ang pangalan ko. Ito naman si Hans. Nakakahiya naman. Ngayon pa ako nagpakilala samantalang tinulungan mo ako kanina." Napatingin siya sa babae habang pinupunusan ang bibig ng anak nito. "Ah hindi, ayos lang. I'm Natasha or just call me Nat." Nginitian niya ito. "Sure, Nat." Ngiti naman ng babae. "Ikaw lang ba mag isa sa unit mo?" Dagdag nito na sinagot lang niya ng tango. "Kayo lang ba dalawa dito?" Tanong niya sa babae. "Ah oo. Natanggap kasi ako sa trabaho dito kaya lumipat na kami." "Where's his father?" Bigla niyang tanong. Nakita niya ang paglungkot ng mukha ng babae. "I'm sorry. I shouldn't have asked --" "Hindi. Okay lang. Iniwan na niya kami. Nung malaman niyang pinagbubuntis ko itong si Hans, bigla nalang siyang umalis. Pero wala na 'yon. Kaya ko namang buhayin itong si Hans kahit ako lang mag isa." Tahimik lang siya. Wala siyang masabi. She's mad. How can a father leave his child like this? Napatingin siya sa inosenteng batang kumakain pa rin ng cake. "Eat up, Hans." Ngiti niya sa bata dahilan para mapatingin ito sa kanya at biglang nahiya. Napatingin siya sa kanyang orasan. Malapit nang mag alas dose. She decided to leave at bumalik nalang da kwarto niya. "Salamat talaga, Natasha." Ngiti lang ang isinagot niya rito at bumalik na siya sa kanyang unit. She sighed as she lay her body on the sofa. She hummed a birthday song dahil patapos na ang araw. "Be a good boy there, Santi." Bulong niya sa hangin habang nakatingin sa kanyang kisame. Napapikit siya while recalling her day. It was a tiring day indeed at hindi nagtagal, she found herself sleeping and immersed in her dream. A dream where she's still with Santi. * * *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD