WHAT are you doing, Adriela? sasama ka na naman sa lalaking ‘yan? Galit na sumigaw si Carlos sa kanya at hindi nagustuhan ni Mathias ang paninigaw nito kaya dinuro niya si Carlos. Mas lalong nagalit si Carlos lalapitan sana si Mathias pero mabilis siyang humarang. “Carlos, calm down, please?” “Calm down? how can I calm down, tell me, Adriela?!” mas lalo pang nagalit si Carlos. “Baby, let me talk to him.” Singit ni Mathias pero umiling siya. “Ako na ang bahala, baby. Pumasok ka na sa kotse at susunod ako kakausapin ko lang nang maayos si Carlos.” Sagot niya. “Pero baka saktan ka niya?” “Hindi… hindi niya magagawa ‘yan kilala ko siya.” Alanganing tumango si Mathias at wala na itong nagawa kundi ang sundin siya. Binalingan niya si Carlos na napahilot sa sentido habang nakapame