PALAPIT na sana si Mathias sa katre nang muling mahulog ang kurtina. Sarado naman ang pinto pero dito sa mismong kuwarto ay walang pinto ang kurtina ang nagsisilbing pintuan. Muli niyang binalik ang kurtina sa pako at napahawak na lang siya sa haligi. Nanatili siyang nakatalikod at sabay bumuntong hininga. fuckingshit! napamura sa sarili si Mathias kung ano itong nangyayari sa kanya. Kunot lang ang noo niya at tas sinara ang kurtina sa bintana. Umupo siya sa katre at sabay na humiga at agad na tumagilid paharap sa bintana. Ayaw niyang makita ang dalaga baka mademonyo siya at makalimutang anak ito ng babaeng pinangarap niya. Subalit sadyang mapanukso talaga ang tukso dahil bigla siyang niyakap ni Adriela mula sa kanyang likuran. Naramdaman niya ang dibdib nito sa kanyang likod at aga