BAKA naman langgamin kayo riyan!” Sabay silang napatingin sa sigaw ng naglalaba. Siya rin ‘yong kausap nila kanina at pumuri sa kanya. Tumawa lang si Mathias at muli siyang niyakap at hinalikan pa sa pisnge. Masayang-masaya siyang nagtatampisaw sa tubig habang si Mathias ay nilabhan ang damit niya at short. “Are you done, baby?” sweet ang boses nito. “Oo, baby. Uuwi na ba tayo?” “Yup.” Masayang sagot ni Mathias. Sa huling pagkakataon ay pumailalim siya sa tubig saka umahon na una ang mukha kaya naayos ang buhok niya. Sumunod na siya kay Mathias na bitbit ang timba na may tubig tapos pinabitbit sa kanya ang sabon dahil ang isang kamay ni Mathias ay hinawak sa kamay niya. “Hold tight, baby.” Ani pa nito dahil naunang nakasampa sa itaas si Mathias. Mahigpit ang hawak nito sa