"Dzai bakit?? Bakit naman hihiwalayan mo? Anyare, girl?" gulat na tanong ni Darlin buhat ng nanlalaki niyang mga mata. Huminga ako ng malalim at bumuga ng marahas na hangin. "Mamaya ko na sa iyo iku-kwento, trabhaho muna tayo." Umayos at tumuwid na ako ng upo at nag-umpisa na magpaka-busy habang sila patuloy pa rin sa kwentuhan pero patungkol naman sa mga importanteng balita sa bansa. "Sige, mamaya ha? May utang kang kwento sa akin, ikwento mo lahat mamaya," saad niya at hinayaan naman na niya ako at bumalik na rin siya sa trabaho. Pinilit kong mag-focus sa ginagawa ko at lumipas na nga ang mahabang oras 'di ko namalayan sumapit na pala ang lunch break at kami na lang din ni Darlin ang naiwan, sila mga nasa cafeteria na. "Huy! Tara na, lunch break na," yakag na nito sa akin sabay nag