"Biglaan ata ang pagaaya mo ng dinner. Hindi ba dapat ako ang mag-aya?" magiliw na sinabi ni Rocco nang anyayahan ko siya kumain sa labas. Tumikhim ako at pinagdaop ko ang dalawa kong palad habang ang dalawa kong siko ay nakatuon sa lamesa. "Rocco, may gusto sana akong sabihin sa iyo kaya gusto kitang makausap." "Mukang seryoso ata iyan. You looked tense and... anxious?" puna niya habang binabasa niya ang ekspresyon ng mukha ko pati na rin ang galaw ko. Napalunok naman ako sa pagkakataong ito. "Rocco kasi tungkol sa amin ni—" "Ma'am, Sir here's your order." Bigla naman dating ng waiter dala ang in-order naming pagkain dahilan para maudlot ang sanang sasabihin ko. Umalis din naman agad ang waiter matapos mag-serve at muling bumaling ang atensyon sa akin ni Rocco. "What is it again? Tu