Tagaktak ang pawis niya sa paulit-ulit niya pag-angkin sa akin na labag sa kagustuhan ko at ang tanging nagawa ko na lang ay ang umiyak sa kawalan ko na rin ng boses dahil sa kakasigaw at pagmamakawa sa kanya. Nayakap ko na lang ang sarili ko, ang hubad kong katawan na binalot ko ng kumot. Ang pakiramdam na ang dumi-dumi ko. Natulala na lang ako sa kawalan habang nakatagilid ng higa, kuyom ang dalawa kong palad. Kahit ilang luha pa ang gusto kong iluha, wala na akong malibas pa. Pati luha ko naubos na kaya natulala na lang ako. I curled my body into a ball, mas lalong 'di na ako karapat-dapat pa kay Rocco... Kasalukuyan nagbibihis si Elvin habang nakatayo sa paanan ng kama tapos na magparaos. Dinig ko ang tunog ng belt niyang muli niya nang isinusuot. Ang tingin niya'y malamig habang