THIRD PERSON'S POV³: Wala sa loob na nabitawan ni Remy ang hawak na box ng pizza habang nanlalaki ang mga matang titig na titig sa galit na mukha ni Rocco. Napalunok siya sa matinding kaba na hindi niya kailan man naisip na maramdaman sa binata, iba na ito ngayon kung makatingin sa kanya. Ang dating tingin nitong mabanayad na puno ng paghanga sa kanya sa tuwinang nagtatama ang kanilang mga mata ngayon ay napalitan na lang ng pagkapoot sa kanya. Ibang-iba na ito kung tumingin, matalim at bakas ang labis na galit sa kanya na anuman oras mukang kaya siyang saktan. Alinsunod siya napakurap habang patuloy siyang sa pag-atras. "Why do you look scared? Feeling guilty, Remy?" he asked in a mocking tone and he just smirked while taking steps coming near her. She gulped and felt frightened.