Part 2

961 Words
KANINA pa gustong mapahiyaw ni Kieran sa iritasyon habang nakaupo siya sa pinakadulo at madilim na bahagi ng KTV bar kung nasaan siya. Kahit ayaw niyang umalis ng bahay ay napilitan siya dahil wala na siyang mainom na alak doon. Dapat ay darating si Adrian bitbit ang mga pinabibili niya rito ngunit ang magaling niyang kaibigan ay hindi pa dumarating. And he was dying to pollute his body with alcohol or else he will not be able to sleep. Not that he likes sleeping but it’s better than staring at the darkness until the sun rises. Better than being more aware that he was all alone in his huge house. At ang KTV bar na iyon lang ang nag-iisang maari niyang inuman sa bayan na iyon. Ngunit habang tumatagal ay nare-realize niya na mali siya ng timing. Dahil limang taon na siyang hindi lumalabas ng bahay niya ay nakalimutan niya na fiesta nga pala sa linggong iyon sa San Bartolome. Halos lahat ng tao ay nasa labas ng mga bahay ng mga ito. Punong puno ng tao sa plaza at sa KTV bar na iyon ay siyang-siyang nagkakantahan at nagiinuman ang mga lalaki. At sumasakit ang ulo niya sa ingay ng mga ito. Nakakaramdam siya ng pagrerebelde na habang huminto na sa paginog ang mundo niya limang taon na ang nakararaan ay nagagawa pa ring maging masaya ng mga ito. Life is very unfair. Nakatiim bagang na lamang niyang ininom ang laman ng pang limang bote niya ng beer. Naging alerto siya nang sa gilid ng mga mata niya ay makita niya ang papalapit na pigura ng isang babae. Sa kabila ng dilim ay nakikita niya kung gaano kaiksi ang suot nito, patunay na isa ito sa mga GRO doon. “Pogi, baka gusto mong samahan ng special service ang beer mo?” malambing na tanong nito. He felt a very bitter taste in his mouth when she said that. Hindi lumilingong sinaid na lamang niya ang laman ng bote niya. Mukhang hindi ito papaawat dahil lalo pa itong lumapit sa kaniya. Marahas niyang inilapag sa lamesa ang bote nang hawakan siya nito sa balikat. He hates being touch, especially by someone he doesn’t know. Napaigtad ito. “Ang sungit mo naman,” angal nito sa malambing pa ring tinig. Noon lang siya tuluyang humarap dito. Sa kabila ng dilim ay alam niyang nakita na nito ng tuluyan ang mukha niya. Alam niya dahil nanlaki ang mga mata nito at bumakas ang takot sa mukha nito. Alam niyang ang nakikita nito ay ang balbas sarado niyang mukha na ang kalahati ay may malaking peklat. He knew he looks horrible because even he could not stomach seeing his own reflection. Napaismid siya. “Leave me alone,” he growled at her in a way he always does to keep people away from him. Nahihintakutang tumalikod ito at halos takbuhin ang bar counter. Nakita niya kung paano nito tawagin ang ilang bouncer at kausapin ang manager. s**t. Kailangan na niyang umalis doon bago pa siya makakuha ng atensyon. Tumayo na siya at muling napamura nang kumirot ang kanang binti niya. Kinuha niya ang tungkod niyang isinandal niya sa pader na nasa likuran niya. Kahit hindi siya derektang nakatingin ay alam niyang nakatingin na sa kaniya ang mga bouncer. Napailing siya at kumilos na upang lumabas ng bar. Hindi sa hindi niya kaya ang mga ito dahil alam niyang kahit sa pisikal na katayuan niya ngayon ay kayang kaya niya ang mga ito. Ayaw lang niyang lalong makakuha ng atensyon. Sa kabila ng tungkod na gamit niya ay bahagya pa rin niyang nararamdaman ang pagkirot ng binti niya. Limang taon na ang lumipas at sa totoo lang ay hindi na iyon kasing sakit noon. But the weather in San Bartolome at this time of the year is cold and it’s making his leg hurt like hell. Damn you Adrian for not showing up on time. Gigil na naisip niya habang naglalakad patungo sa entrada ng KTV bar. Naipagpasalamat niyang paalis na siya nang may dalawang babaeng may hatak-hatak na mga maleta ang biglang pumasok sa bar na kasing ingay ng mga nasa loob na. He ignored them and limply walked out. Kakahakbang pa lang niya palabas ay may babaeng biglang bumangga sa kaniya. He gritted his teeth. Mabuti na lang at sa bandang kaliwa niya ito bumangga kung hindi ay natamaan sana nito ang kanang binti niya. At dahil mas mataas siya kaysa karaniwan ay sa dibdib niya ito tumama. “Pasensya na ho,” mabilis na sabi nito. “Belle, halika na bilis!” sigaw ng babae mula sa loob ng bar. Naalis na sa kaniya ang atensyon ng babae at tuluyan nang pumasok ng bar. Siya man ay hindi na ito tiningnan pa at nagpatuloy sa paglabas. Saglit na tinitigan niya ang maliwanag na bahagi ng bayang iyon. Sa plaza ay may programang ginaganap at sa isang panig ay may maliit na perya. Ni hindi niya magawang iangat kahit gilid lang ng mga labi niya upang ngumiti sa nakikita. Bagkus ay lalo lamang iyong nagpapatindi sa pagrerebeldeng nararamdaman niya. She loves festivities like this. Mapait na naisip niya. Tinalikuran niya ang kasiyahan at hirap na tinahak ang kabilang direksyon kung saan naghihintay ang malaking bahay na binili niya pitong taon na ang nakararaan. The house he thought will be a happy home for him. But now, it was nothing but a dilapidated house with painful memories. Subalit ayaw niyang iwan iyon katulad ng mas pinili niyang huwag alisin ang lahat ng pilat na iniwan sa katawan niya nang nakaraan. Ayaw niyang makalimutan ang lahat. Doing so feels like betraying the memory of the only woman he had ever loved. And he will never ever do that.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD