Part 15

1285 Words
NANG muling magising si Kieran ay mas magaan na ang pakiramdam niya. Ang una niyang naisip nang magmulat siya nang mga mata ay hanapin ng tingin si Belle. Bahagya pa siyang nadismaya nang mapagtantong wala ito sa silid niya. Pagkatapos ay naalala niya ang panaginip niya. Dinalaw na naman siya roon ni Regina. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi iyon bangungot. Sa panaginip niya ay nakatayo ito sa gitna ng hardin nito ng mga rosas. Nakangiti ito habang nakatingin sa kaniya, wala kahit kaunting bahid ng naranasan nitong kalupitan sa kamay ng mga kaaaway niya. Sa panaginip niya ay ibinubuka nito ang mga labi nito na tila may sinasabi ngunit hindi niya mawawaan kung ano iyon. Hanggang sa makarating sa pandinig niya ang sinasabi nito at sa panaginip niya ay naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata niya habang nakatitig dito. I want you to be happy even without me, honey. I know you can. All you have to do is grab it. Forget and be happy. Huminga siya ng malalim at bumangon. Mukhang maayos na nga ang pakiramdam niya dahil hindi na masyadong masakit ang buong katawan niya. Nakita niya ang tungkod niya na nakasandal sa gilid ng headboard ng kama at kinuha niya iyon. Pagkatapos ay bahagya pa ring nanghihinang naglakad palabas ng silid niya patungo sa hagdan. Nakakailang hakbang pa lamang siya pababa ay naririnig na niya ang mahinang pag-awit ni Belle sa baba. Umangat ang mga kilay niya at nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan. And then, he saw her. O mas tamang sabihing ang unang bumungad sa kaniya ay ang pang-upo nito na ang tanging saplot ay isa sa boxer shorts niya. Nakatuntong ito sa isang silya at nakatingkayad pa ito habang winawalis ang chandelier sa gitna ng living room. Humahakab sa katawan nito ang tshirt niya. s**t. Mura niya sa isip nang maramdaman na naman niya ang pagkabuhay ng katawan niyang nagiging pamilyar na sa kaniya sa tuwing nakikita niya ito. Marahas siyang napailing upang kontrolin ang sarili. Pagkatapos ay tahimik na kumilos upang makalapit dito. Masyado itong abala sa ginagawa at sa pagkanta nito kaya marahil ay hindi siya nito namalayan. Nakatayo na siya ilang pulgada mula sa likuran nito nang magdesisyon siyang magsalita. “You seem so energetic.” Napaigtad ito at marahas na lumingon sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya at napamura nang gumalaw ang kinatatayuan nitong silya at mawalan ito ng balanse. Nabitawan niya ang tungkod niya at awtomatikong ibinuka ang mga braso nang makitang mahuhulog ito sa kaniya. Nasalo niya ito subalit dahil hindi na gaya noon na parehong may pwersa ang mga binti niya ay nawalan din siya ng balanse at natumba. Napaigik siya nang tumama ang pangupo niya sa sahig. Ngunit wala ang sakit na iyon sa sensasyong kumalat sa buong katawan niya nang maramdaman ang buong katawan nito sa katawan niya. He could feel his body reacting. Damnit. “Naku, okay ka lang ba? May sakit ka pa naman. Sorry,” bulalas nito at bahagyang lumayo sa katawan niya. Makakahinga na sana siya ng maluwag sa pag-aakalang babangon na ito bago pa niya maipahiya ang sarili niya kapag naramdaman nito ang ebidensya ng epekto nito sa kaniya. Kaunting usog lang nito sa kandungan niya ay malalaman na nito iyon. Ngunit lalo siyang nafrustrate nang ikulong pa nito ng dalawang kamay nito ang mukha niya at pinakatitigan siya. Nahigit niya ang paghinga nang makita ang pag-aalala sa mukha nito habang tila iniinspeksyon siya. Pagkatapos ay napabuga ito ng hangin – na umabot sa mukha niya kaya lalo lang siyang nainitan – at ngumiti. That smile that brought warmth on his chest and all over his body.  Must she be this beautiful? “Wala ka ng lagnat. Mabuti naman,” sabi pa nito. “Pero magkakaroon kapag hindi ka pa umalis sa pagkakadagan mo sa akin,” aniya sa paos na tinig. And you might get caught by the fire, so stay away from me. “Ay oo nga. Sorry.” Mabilis itong bumangon at sing bilis din ang naging paghagod niya ng tingin sa buong katawan nito. Natigilan siya nang may mapagtanto. She’s not wearing a bra. s**t. Nabaling ang tingin niya sa kamay nito nang ilahad nito iyon sa kaniya, marahil ay upang akayin siya patayo. Napabuga siya ng hangin upang kalmahin ang sarili bago tinanggap ang kamay nito at hirap na tumayo, lalo na at naramdaman niya ang pagkirot sa binti niya. Nang makatayo siya ay nakangiwi na siya. “Okay ka lang ba? Umupo ka muna, mukhang natamaan ang binti mo,” nag-aalalang sabi nito. Bago pa siya makapagsalita ay napaupo na siya nito sa silyang kanina ay kinatatayuan nito. Pagkatapos ay napaigtad siya nang walang sabi-sabing lumuhod ito sa harap niya. “Anong ginagawa mo?” nanlalaki ang mga matang tanong niya rito. “Mamasahihin ko lang sandali ang binti mo. Masakit hindi iba?” sabi nitong hinawakan na ang kanang binti niya. Napatiim bagang siya sa magkahalong sakit at iba pang pakiramdam na dulot ng marahang pagmamasahe nito. He shifted in his seat when he felt himself growing as he looks at her kneeling in front of him. At alam niyang anumang sandali, magkamali lang ito ng sulyap sa bahaging iyon ng katawan niya ay mapapansin din nito iyon. Damnit to hell! Tiningala siya nito at nang magtama ang mga mata nila ay may kumislap roon na tila suntok sa sikmura niya. Iba iyon sa tinging ipinupukol sa kaniya ng mga taong nakakakita sa kaniya kapag papuslit siyang nagtutungo sa bayan. In fact, noong unang dating pa lamang nito sa bahay niya ay napapansin na niya ang kislap na iyon sa mga mata nito tuwing nahuhuli niyang nakatingin ito sa kaniya. Hindi ito natatakot sa kaniya. At kung tama ang hinala niya… she likes him. Kung bakit ay hindi niya alam. Hindi ba nito nakikita kung ano ang itsura niya? That he was a cripple? “Masakit pa ba?” tanong nito sa kaniya. Napakurap siya. “Hindi na.” Ngumiti ito at nakuyom niya ang mga kamao dahil muntik na niya itong abutin at - At ano? Halikan ito? For God’s sake kakapanaginip pa lamang niya kay Regina. Sure she told him in his dream to be happy, but must it be Belle? It feels weird to desire this woman that he only knew for a couple of days. Napaigtad silang pareho nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok sa di kalayuan – sa direksyon ng plaza. “Ano iyon?” tanong nitong tumayo na. Napatingin siya sa direksyong pinaggalingan ng ingay. “Fireworks. Fiesta ng San Bartolome. Kung tama ang pagkakatanda ko huling gabi ngayon,” walang interes na sagot niya. Kumilos siya upang abutin ang tungkod niya at nang makatayo ay muli niya itong tiningnan. Natigilan siya nang makitang nakatingin pa rin ito sa direksyon ng pagkakaingay. And she looks like a child longing for Christmas. “Ang saya siguro doon mamayang gabi,” usal nito. Napatitig siya rito. “Gusto mong magpunta?” natanong niya bago pa niya maisip kung ano ang sinasabi niya. Napalingon ito sa kaniya at namilog ang mga mata. “Pwede? Talaga?” manghang tanong nito na may kislap pa ng excitement ang mga mata.  “It’s okay. Sasamahan kita bilang kabayaran sa pag-aalaga mo sa akin buong gabi,” sagot niya. Napagtanto niyang magaan sa loob niya ang sagot na iyon. It was as if his fever last night made him woke up from a very deep sleep at nang magising siya ay biglang gumaan ang pakiramdam niya at mas maaliwalas ang lahat ng nakikita niya. Nang matamis itong ngumiti ay hindi na niya napigilan ang sarili. Gumanti siya ng ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD