Part 14

1515 Words
KIERAN must be dreaming. Sa malabong diwa niya ay nararamdaman niya ang unti-unting pagginhawa ng pakiramdam niya. Nararamdaman niya ang banayad na paghaplos sa kaniya ng mainit na kamay na nagpapagaan sa pakiramdam niya at nagpapawala ng mga bangungot na dahilan kung bakit lalong lumalala ang bigat ng katawan niya. Bigla ay naalala niya si Regina. Kahit na sa maiksing panahong pagsasama nila ay hindi pa siya nagkasakit ng ganoon. He used to be the one taking care of her. He used to be her prince charming and knight in shining armor in one. Kahit kailan ay hindi siya nagpakita ng kahinaan dito. In fact, ngayon lang siya naging ganoon kahina. He hates being weak. Ngunit ngayong nararamdaman niya ang masuyong haplos na iyon at nang iminulat niya ang mga mata at makita ang maamong mukha ng isang babaeng may masuyo ring tinig ay nawala iyon sa isip niya. Napagtanto niya na kahit papaano pala ay masarap din ang ganoong pakiramdam, ang pakiramdam na maari siyang matulog ng mahimbing na hindi nag-aalala, ang pakiramdam na may isang taong mag-aalaga rin sa kaniya kapag napapagod na siyang magpaka knight in shining armour sa ibang tao. Not that he looks like a knight or a prince now. He knew he looks like a beast. Ngunit ang katotohanang tila hindi iyon alintana ng babaeng kasalukuyang inaalagaan siya ay nagpapaagaan ng pakiramdam niya. Hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.   “KIERAN, alam mo, tingin ko buntis ako.” Napatitig siya kay Regina habang magkayakap siyang nakahiga sa kama. Kakauwi lang niya galing sa ilang linggo niyang operasyon para pasukin ang isang malaking drug den sa Maynila at ang una niyang ginawa ay ayain ito sa silid nila. He made love to her as if he havent seen her in years. Ngumiti ito at may lumukob na init sa dibdib niya. “Totoo?” tanong niya. Tumawa ito. “Sa tingin ko pa lang naman. Delayed na kasi ako ng two months,” ngiting ngiting sabi nito. Nayakap niya ito ng mahigpit at siniil ng halik. “Magkakababy na tayo. Kailangan nating magpunta sa doktor bukas para siguruhin. God, Regina, that’s a very good news,” masayang usal niya. “Kapag nagkababy na tayo, mas mapapadalas ba ang pag-uwi mo?” tanong nito. Natigilan siya at noon lang niya napansing may kumislap na lungkot sa mga mata nito. Naguilty siya na palagi niya itong naiiwan doon. At alam niya na tuwing wala siya ay palagi itong nag-aalala kung buhay pa siya. Hinalikan niya ito sa noo. “Kapag sinabi ng doktor na buntis ka, magreretiro na ako at papamahalaan ko na lang ang security agency namin nila Adrian. Hindi na ako makikipaghabulan sa mga kriminal para hindi ka na mag-alala. Aalagaan na lang kita at ang magiging baby natin. How’s that?” “Promise?” Tiningnan niya ito at nginitian. “Promise.” Ngumiti ito. “Then, tomorrow, pumunta tayo sa doktor,” sang-ayon nito. Ngunit hindi na natuloy ang plano nilang iyon kinaumagahan. That night, the drug lord whose den he annihilated years before came to his house. Nang gabing iyon ay marami siyang bagay na pinagsisihan. Kung sana mas naging maingat siya. Kung sana hindi siya naging mapagtiwala sa hindi niya kilala. Kung sana iniwan na niya ang trabaho niya nang magpakasal sila ni Regina dalawang taon na ang nakararaan at nanatili na lamang sa tabi nito. O kung sana hindi na lamang iyon ang pinili niyang propesyon para hindi nadamay ang babaeng pinakamamahal niya sa gulo ng buhay niya bago pa niya ito nakilala. May kasamang mga tao ang drug lord, nakapasok sa bahay niya nang wala siyang kaalam alam.  And they took their revenge on him in the most terrible way imaginable. Till now, he could still hear Regina’s scream as they stabbed her to death while two armed goons were holding him down. Nakikita pa rin niya ang luha sa mga mata nito, at kung paano nawalan ng buhay ang mga mata nito nang malagutan ito ng hininga… and worst, he would never forget how the doctor who looked at her body told him she was two months pregnant… Nahuli nila Adrian ang lalaki at nahatulan ng habambuhay ng pagkakakulong dahil matagal nang walang death penatly sa pilipinas. Pero para sa kaniya, kulang ang makulong ito para pagbayarin ito sa mga kasalanan nito. Kulang na kulang iyon…. Napaigtad at marahas na napamulat si Kieran. Halos hindi siya makahinga sa pagsisikip ng dibdib niya at napabangon siya. Matagal na mula nang huli niyang mapanaginipan ang gabing iyon. Pakiramdam niya ay kahapon lang iyon nangyari. “Kieran?” Napatingin siya sa pinto ng silid niya at nakita niyang nakabukas na iyon at pumasok si Belle na may bitbit na tray nang umuusok na pagkain. Napahinga siya ng maluwag at hindi siya makapaniwala sa labis na relief na naramdaman niya nang makita ang mukha nito. Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito at mabilis na lumapit sa kama. Pagkatapos nitong ilapag ang tray sa lamesa ay walang pag-aalinlangang umupo ito sa tabi niya. Natigilan siya nang umangat ang mga kamay nito sa mukha niya at marahan nitong haplusin ang mga pisngi niya. Noon lang niya narealize na namamasa iyon. Kung sa pawis o luha ay hindi niya alam. Napapikit siya ng mariin sa labis na pagkapahiya. She must be laughing at him for being so pathetic. Ngunit nang muli siyang dumilat ay nadisorient siya nang makitang nakangiti na ito. It was a warm smile that took his breath away. At noon lang niya inamin sa sarili niya ang isang katotohanan. That to be honest, she’s the most beautiful woman he ever saw in his life. Iyon ay sa kabila ng katotohanang ni walang bahid ng pulbo man lang ang mukha nito. Napatitig lang tuloy siya sa mukha nito at hindi alam kung ano ang gagawin. Tumango-tango ito. “Bumaba na ang lagnat mo. Mabuti naman. Kumain ka muna. Nagluto ako ng lugaw. Tapos naghalungkat na rin ako ng gamot sa medicine cabinet mo. Buti na lang mayroon. Inumin mo pagkatapos mong kumain,” malumanay na sabi nito. Inalis nito ang kamay nito sa mukha niya at bigla siyang nakaramdam ng kaunting kahugkagan nang tumayo ito palayo sa kaniya. Naipilig niya ang ulo at pilit hinamig ang sarili. “Why are you doing this?” tanong niya rito. Napahinto ito na hawak na ang mangkok at kutsara. Tumingin ito sa kaniya. “Ang alin? Ang alagaan ka? Bakit hindi?” takang tanong nito. “You should have just let me be.” Umangat ang kilay nito. “At pabayaan kang mamatay? Hindi ko iyon gagawin,” sagot nito at muling lumapit sa kaniya. Natense siya nang umupo na naman ito sa tabi niya. Inalis niya ang tingin dito at noon lang niya napagtantong iba na ang suot niya. Inangat niya ang kumot at napansin niyang pati pantalon niya iba na rin. Manghang napatingin na naman siya rito. “You changed my clothes.” Namula ito at mukhang nahiya. She looked even more beautiful with her flushed face. “Pawis na pawis ka eh. Mapupulmonya ka naman kung hindi ko pinalitan ang suot mo,” mabilis na sagot nito sa bahagyang garalgal na tinig. Tumingkad ng husto ang pamumula nito. Nakuyom niya ang mga kamao nang magreact ang katawan niya sa imaheng sumagi sa utak niya, her taking his clothes off...  Ngunit narealize niya kung ano ang nakita nito sa katawan niya, ang mga peklat niya sa katawan at likod at napatiim bagang siya. Ano kaya ang naging reaksyon nito nang makita kung gaano kapangit ang mga iyon? “Kumain ka na nga lang,” sikmat nito. Sa pagkamangha niya ay kinutsara nito ang lugaw, hinipan iyon at inilapit sa kaniya. “O,” sabi pa nito. “Hindi mo na ako kailangang subuan,” saway niya rito. Nagtama ang mga mata nila at parang may sumuntok sa sikmura niya nang makita ang determinasyon sa mukha nito. “Kieran, huwag na matigas ang ulo mo. Kung hindi ko ito gagawin hindi ka kakain. Pag hindi ka kumain hindi ka gagaling,” sermon nito. Nang hindi pa rin siya kumilos ay lumambot ang tingin nito. “Please,” anito sa mas mahinang tinig.  “Ako na ang hahawak niyan,” suko niya. Tumamis ang ngiti nito. Napahinga siya ng malalim sa ngiting iyon at walang salitang kinuha niya ang kutsara dito. When their skin touched, awareness rushed through him and he almost cursed under his breath. Iniwasan na niyang madikit dito pagkatapos dahil hindi niya gusto ang nagiging epekto nito sa kaniya.             Pagkatapos niyang maubos ang binigay nitong pagkain sa kaniya ay ininom rin niya ang gamot na inabot nito. Pagkatapos ay pinahiga siya nitong muli sa kama. Ngumiti ito at tila may sumuntok sa sikmura niya nang masuyo nitong haplusin ang balikat niya. “Matulog ka na ulit.”             Napapikit siya sa malamyos na boses nito. Sa pagkakataong iyon ay walang bangungot na dumalaw sa pagtulog niya. He slept soundly, something that never happened for the past five years.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD