CHAPTER 32 SEDUCING THE COLD BODYGUARD “I like it here. Matagal ka na ba rito, iha?" Ngumiti ako kay Mrs. Mornett na naging suki ko na rin sa mga beauty products ko rito sa boutique. “Actually ma’am, kakabukas ko lang po sa aming mini boutique noong nakaraang buwan, sinubukan ko lang po kung kaya ko ba at hindi ko naman inasahan na dadagsain agad ng mga kilalang tao sa industriya at isa na po kayo roon madam kaya maraming salamat po.” ngumiti ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. “Ganoon ba? That's good. Isa ito sa gusto ko sa mga kabataan o kaedaran mo na, to have their own business, malaki man iyan o maliit ay dapat alam na ang pagiging entrepreneur. May mga apo ako na mahilig din sa business at malay mo pwede pala kayong magkaosyoso sa trabaho.” Nagulat na man ako sa sinabi ni ma