CHAPTER 18 SEDUCING THE COLD BODYGUARD Kakagising ko lang at napamura na lang ako na sobrang sakit ng ulo ko. “Arrghh! What happened ba? Where am I?” Kinapa ko ang sarili ko at wala naman akong nararamdaman na sakit sa katawan. Ang naalala ko lang kagabi ay kainoman ko ang mga kaibigan ko. “Wait, where are they?" Dahan-dahan akong bumangon pero napabalik din agad sa paghiga dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang bodyguard ko? Wait? Ano bang nangyari? “Saan ako? Nasaan ang mga kasamahan ko? Wait a minute, walang kapeng mainit. Did you kidnap me? Hoy! Wala akong pera na dala, nasa bag ko, sa may wallet ko na kulay black, meron pa yata roon na two thousand, nakaipit iyon sa pinaka bulsa at kung gusto mong kunin kasama ang wallet, paki iwa