CHAPTER 16 SEDUCING THE COLD BODYGUARD Nakasimangot akong sumama papunta ng bar. Paano kasi, bigla ba naman nawala ang bodyguard ko pagkatapos nakipag-usap sa babae kanina, ang habilin ng bodyguard ni Sabrin na may pupuntahan daw. Aba! Panigurado naghahanap iyon ng lugar kung saan sila maglalampungan. Sana man lang lumapit na muna siya sa akin para magpaalam, hindi iyong basta-basta na lang umaalis. Takot ba siya na sundan ko siya kasi ganun talaga ang gagawin ko kung nagkataon na nagpaalam siya sa akin. Susundan ko sila kahit sa ilalim pa sila ng dagat sumisid. Bakit? Libog na libog na ba talaga siya at ayaw niya munang magpaalam sa akin. “Grr, nakakainis!” “Hoy, kanina ka pa nagdadabog diyan. Ano meron? Sino kaaway mo na parang galit na galit ka sa mundo?” Tanong ni Elora sa akin.